Rest in peace, Dinky

“Rest in peace, my dear classmate. Hanggang sa huli, wala kang kapaguran sa mga laban para sa kapwa. Pahinga ka na sa gitna ng malawak at magandang bukid ng sunflowers sa langit.

Sobrang lungkot namin ni Sharon sa iyong paglisan. Nabuhay at nagmahal ka ng buong-puso, nagbahagi ng iyong oras, buong lakas, at tinulungang maiangat ang milyon-milyon mula sa kahirapan. Masigla mong ibinigay ang lahat nang walang binibilang.

Taos-pusong pakikiramay kay Hector, kina Sandino at Marikit, sa buong pamilya ng mga Soliman at Juliano at sa lahat ng nagmamahal sa iyo.”


Share