RA 11231
ANO ANG
SAGIP SAKA ACT?

WATCH ON YOUTUBE

Mataas na kita para sa ating magsasaka at mangingisda

Layunin ng Sagip Saka Act na naisabatas ni Senador Kiko Pangilinan na direktang makapagbebenta ang mga magsasaka at mangingisda sa merkado. Kasama na rito ang pagbili ng pamahalaan para sa kanilang feeding program, relief operations at iba pa.

Dama na ang Sagip Saka Act sa iba’t ibang probinsiya. Sa Batangas, dumoble ang kita ng mga magsasaka ng kape: mula P7,350 nagging P14,224. Sa Bula, Camarines Sur, ang mga magpapalay ng Pecuaria Cooperative na noon ay kumikita lamang ng P25,000 kada ani ay kumikita na ng P100,00 tuwing tag-ani.

Dahil mabibili na sa mas magandang presyo ang mga produkto, tataas na ang kita ng mga magsasaka at mangingisda.

Sa gayon, mabibili sa mas magandang presyo ang mga produkto, tataas ang kita ng mga magsasaka at mangingisda. Matitiyak din ang abot kaya at masustansyang pagkain sa mesa ng bawat pamilya. Matutugunan na rin ang pangangailangan ng bawat pamilya: pagkain sa hapag-kainan sa presyong mas abot kaya.

Sa Sagip Saka, lahat panalo. Agri Tayo D’yan!

Frequently Asked Questions (FAQs) on Sagip Saka Law

  • 1. Ano Ang Sagip Saka Law?

    Layon ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Law na mabigyan ng suporta ang mga magsasaka, mangingisda at farm enterprise upang mapataas ang kanilang kita.

  • 2. Ano ang sasagipin ng Sagip Saka?

    Layon ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Law na mabigyan ng suporta ang mga magsasaka, mangingisda at farm enterprise upang mapataas ang kanilang kita.

  • 3. Bakit sila nararapat na sagipin?
    • Dahil sila ang nagbibigay ng pagkain natin sa araw-araw.
    • Dahil kaya natin
    • Dahil napapakain ng ibang bansa ang kanilang mamamayan at naging mayaman sa agrikultura
    • Dahil kapag sinagip natin ang pinakamahihirap, sinasagip natin ang ating sarili.
  • 4. Paano sasagipin ng Sagip Saka ang sektor ng agrikultura at ang mga magsasaka at mangingisda?

    Itinataguyod ng Sagip Saka ang isang programang nais lumayo sa “isang kahig, isang tukang” pagsasaka/pangingisda at lumahok sa pangangasiwa at pagpapaunlad ng negosyo para sa pagsasaka at pangingisda. Sa pamamagitan ng:

    • paggamit sa pagtaas ng kita ng mga magsasaka at mangingisda bilang batayan ng tagumpay.
    • pag-uugnay ng mga negosyo ng mga magsasaka at mangingisda sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) para sa merkado, pananalapi, capacity-building, at teknolohiya.
  • 5. Ano ang mahahalagang tampok sa Sagip Saka Law?
    • I. Direktang pagbili ng nasyonal at lokal na ahensya ng gobyerno Maaaring makabili ng pagkain at iba pang produktong agrikultural ang gobyerno direkta sa mga akreditadong kooperatiba at negosyo ng mga magsasaka at mangingisda para sa kanilang feeding program, relief operations, catering needs, at iba pang mga serbisyo sa pamamagitan ng negotiated procurement.
    • II. Pakikipagtulungan sa pribadong sektor Maaaring magbigay ng access sa merkado ang pribadong sektor para sa mga kasosyo nilang magsasaka at mangingisda. Maaari ring magbigay o mag-donate ang pribadong sektor ng mga kagamitan at makinarya, pagsasanay, at iba pang anyo ng tulong.
    • III. Insentiba sa buwis at mga exemption
      • Hindi papatawan ng donor’s tax ang mga regalo at donasyon na real at personal property.
      • Hindi magpapataw ng real property tax ang mga lokal na pamahalaan sa mga istruktura, gusali, at warehouse na ginagamit para sa pag-iimbak ng farm inputs at outputs.
      • Maaaring hindi na patawan ng income tax ang kita mula sa operasyon ng mga magsasaka at mangingisda.
  • 6. Bakit game-changer ang Sagip Saka?
    • Komprehensibo
    • Nakasentro sa mga magsasaka/mangingisda
    • Nakikilahok
    • Multi-sectoral
    • SMART (specific, measurable, achievable, relevant, timely) performance metrics
  • 7. Ano ang inspirasyon sa likod ng Sagip Saka Act?

    Mga umiiral na partnership na nagbibigay sa mga magsasaka ng direktang access sa merkado.

    Halimbawa, inilalaan ng Kalasag Farmers Producers Cooperative sa San Jose, Nueva Ecija ang kinakailangang suplay ng sibuyas sa dambuhalang kumpanya na Jollibee. Noong 2018, napagkasunduang bibilhin ng Jollibee ang 60% ng mga inaning sibuyas ng kooperatiba; mula sa 60 toneladang white onions.

    Napakinabangan ng Kalasag ang Sagip Saka program ni Sen. Pangilinan para sa kanilang refrigerated vans. Sa halip na magrenta sa halagang P17,000 kada byahe (15 – 20 na byahe), nakabili ang mga magsasaka ng sarili nilang refrigerated vans.

    Dagdag pa rito, dahil sa kanilang kontrata sa Jollibee ay nakapag-utang sila para makarenta ng cold storage facility na pinapanatiling sariwa ang mga sibuyas na tumatagal hanggang siyam na buwan, kaya kaunti ang nabubulok at nadadagdagan ang kita.

    Pagdating naman ng 2015, nakakapag-ani na ng 500 tonelada ang Kalasag – halos sampung beses ang dami para sa parehong sukat na 50 hektarya ng lupa. Tumaas nang 10-12 beses ang kita ng mga Kalasag farmer, higit sa karaniwang kita ng Pilipinong magsasaka sa buong bansa.

    Ito ang diwa ng Sagip Saka, pagbabago sa mga komunidad at buhay.

  • 8. Kailan masasabing naging matagumpay ang Sagip Saka?

    Kapag tumaas ang kita ng mga nagsasaka ng ating pagkain, kapag hindi na problema ang gutom, at kapag naging food secure ang ating bansa.

Sagip Saka News