Sen. Francis “Kiko” Pangilinan on illegal Chinese workers

Fire DOLE and BI appointees and officials who allowed the entry of 400,000 Chinese illegals. File criminal cases against them. Uphold the rule of law and without fanfare deport these illegals. The administration should not be afraid of China in the face of hundreds of thousands of their citizens working here illegally. What it should fear is the anger of millions of our people who remain jobless while we give special treatment to these Chinese illegals.

Mga iligal na droga galing China, wala tayong imik. Mga iligal na pananakop sa ating karagatan, wala tayong imik. Mga iligal na Chinese workers, wala pa rin tayong imik. Tama ba yun? Hindi tayo dapat pumayag na hawak tayo sa leeg ng China at gobyerno.

Masyado nang nagpapaalipin ang ating gobyerno sa China at dahil dito lalo lang tayong aabusuhin at aalipustahin ng China.

Kung nais nating respetuhin tayo bilang isang bansa at respetuhin ang Pilipino sa buong mundo, tapang at hindi takot ang dapat mangibabaw sa pagharap sa mga dayuhan.