Nalalason ng asido ang 2.2 million hectares ng pang-agrikulturang lupain sa Pilipinas. Bunga ito ng natural na pag-ulan. Bunga rin ito ng hindi angkop na paggamit ng pataba.
Ngayong Pandaigdigang Araw ng Lupa, hinihikayat ko ang ating mga magsasaka na magpa-soil testing. Sa pamamagitan nito, malalaman kung ano ang lagay ng lupa, ano ang pwedeng itanim, at ano ang pwedeng intervention.
Hinihimok ko rin na mag-composting para mas natural ang pagpapataba ng lupa at mga pananim.
Sabi nga sa sikat na salawikain, “Patabain ang lupa, hindi ang halaman.” Ang malusog na lupa, magpapalaki ng malusog na pananim. Ang malusog na pananim, nagpapalusog sa tao. Nagpapalusog sa bayan.