Sen. Kiko Pangilinan’s statement on Garcia gag order: Kung hindi tayo kikilos, sino’ng kikilos?

December 23, 2010

Press Statement
December 23, 2010

Dapat kumilos tayo laban sa “gag order” sa kaso ng plunder kay dating major general at AFP Comptroller, Carlos Garcia.

Sa gag order, sa halip na tumahimik eh dapat lalo pang busisiin at pag-usapan ang kaso dahil habang ‘di pinag-uusapan eh baka mauwi sa aregluhan. Malaking isyu ang kaso laban kay Garcia at dapat sa halip na tikom ang bibig ay magsalita ang mga nasa likod ng plea bargain at ipaliwanag sa taumbayan kung paano nauwi sa bailable offense ang dating non-bailable na plunder case.

Meron ba silang itinatatago kaya ayaw nilang pagsalitain ang mga ito? Dapat mariing na tutulan ang gag order na ito. Dapat nang magparamdam ang taumbayan!

 

Image source: AFP

×