Ngayong Araw ni Bonifacio, nagsasama-sama tayo sa Trillion Peso March laban sa pagbaha ng nakawan sa pamahalaan. Ang gobyerno, imbes na pugad ng serbisyo para sa taumbayan, naging pugad ng katiwalian para sa iilan. Tangan ang diwa ng Katipunan, punitin natin ang sedula ng korapsyon. Ikulong ang mga kawatan. ‘Ika nga sa mga misa ng ilang linggo na, ang tao may pananagutan at may pananagutin.