SEN. PANGILINAN’S STATEMENT ON DEATH PENALTY

December 7, 2016

fnpSabi nga ng kanta, let’s give love on Christmas Day. Huwag naman death penalty.

May mga matibay na mga pag-aaral na hindi ang tindi ng parusa ang pipigil sa mga kriminal gumawa ng masama. Ang harang sa mga krimen ay kung sigurado na sila ay mapaparusahan.

Reimposing the death penalty will not lead to more convictions, nor will it ensure that cases will be decided swiftly and the guilty punished. Death penalty will not address lawlessness and criminality when convictions are few and cases drag on for years.

Kahit isang araw o isang linggo lang ang kulong, basta siguradong makukulong, magdadalawang-isip ang mga nagbabalak gumawa ng krimen. Pero ang nangyayari, tila nakakalusot sa parusa dahil sa sobrang matagal ang proseso ng katarungan. Maraming nangyayari tulad ng hokus pokus sa mga ebidensya, pati na pananakot at panggigipit sa mga biktima, maging sa mga huwes. Ano’ng klaseng katarungan ang ating aasahan kung ganito ang sitwasyon ng ating justice system?
Modernizing our justice system is the key to end lawlessness and criminality. It is swift punishment and the immediate disposition of cases pending before our courts, regardless of penalties involved, and not the reimposition of death penalty, that will restore respect for the rule of law in the country.

I support our Liberal Party mate Congresswoman Kaka Bag-ao in her vigorous and rational opposition of the reimposition of the death penalty.

Magpa-Pasko na, huwag naman kamatayan ang regalo ng Kongreso sa bayan.

 

×