Liza Soriano
December 20, 2010
Bandera
BUNSOD na rin ng papalapit na kapaskuhan, may 12 hiling o wishes ang Senado para kay Pangulong Aquino at sa bansa.
Kabilang sa wish ng Senado ay ang pagkakaroon na ng girlfriend ng Pangulo makaraang mapaulat ang break-up sa mga sinasabing dating katipan na sina Valenzuela councilor Soledad Shalani at stylist Liz Uy
Inilatag na ni Sen. Francis Pangilinan sa kanyang kaibigang Pangulo ang 12 wishes nito ilang araw bago ang kapaskuhan.
Una, ang pagsisimula ng peacetalks upang matigil na ang kaguluhan partikular na sa mga siyudad ng General Santos, Cagayan de Oro at Davao City.
Ikalawa, ang bagong imahe ng bansa para sa tourism industry na maghihikayat sa mga turista at hindi ang umani ng kritisismo sa mga proyekto nito.
Ikatlo, ang agarang implimentasyon ng Conditional Cash Transfer (CCT) program na malaking tulong sa mahihirap na mamamayan.
Ikaapat, ang pagkakaroon ng “special someone” ng Pangulo.
Ikalima, ang isang united Malacanyang o ang pagkakaisa sa mga opisyal ng Malacanyang upang sa higit na ikauunlad ng bansa.
Ikaanim, ang panatilihin ang presyo ng gasolina.
Ikapito, ang pakikiisa ng sambayanan para pag-ibayuhin ang agricultural farming.
Ikawalo, ang mabawasan ang sobra-sobrang basura upang maiwasan na maulit ang trahedya gaya ng Ondoy kung saan nakaranas na matinding pagbaha ang Metro Manila.
Ikasiyam, higit na pag-ibayuhin ang kaalaman ng pamilya sa family planning upang maiwasan ang lalong paglobo ng populasyon.
Pang-10, ang partisipasyon ng pribado at publiko sektor sa mga proyektong pangmahirap.
Pang-11, ang pagtiyak na ang lahat ng smugglers ay makukulong.
At pang-12 ay ang price stability sa lahat ng pangunahing bilihin partikular na ang bigas.
View original post on Bandera