Boyet Jadulco and Dindo Matining
Abante
March 3, 2011
Kung ayaw ni Ombudsman Merceditas Gutierrez na magbitiw sa puwesto, ang mga senador na lamang ang sisipa sa kanya para matanggal siya sa puwesto.
Ito ang babala ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan matapos magmatigas si Gutierrez na hindi ito magbibitiw sa puwesto ngayong gumugulong na ang impeachment case sa Kamara de Representantes.
Oras na aprubahan ito ng Kamara, aakyat na ito sa Senado kung saan dito lilitisin si Gutierrez bago desisyunan kung patatalsikin ito o hindi.
“For the sake of decency in public office she should just get out or be kicked out,” giit ng senador.
Aniya, dapat umanong gayahin ni Gutierrez si dating US President Richard Nixon na noong naamoy na niyang mapapatalsik siya ng US Congress kaugnay ng “Watergate scandal”, nagbitiw na lamang ito sa puwesto.
View original post on Abante Online