SENATOR FRANCIS “KIKO” PANGILINAN’S EXPLANATION OF VOTE ON SENATE RESOLUTION FOR DUTERTE’S HOUSE ARREST (AS DELIVERED)

Ako po ay bumoboto ng “No”. Pinakinggan ko ang sponsorship speeches ng ating mga kasamahan – tama naman, may basehan para sa humanitarian consideration dahil may edad na hinihingi ng isang paraan para ma-house arrest.

May basehan po ito, base sa mga argumento na nabanggit kanina subalit, gaya nang nabanggit kanina ng ating Majority Leader na si Senator Zubiri sinabi niya ‘magagalit ang mga biktima ng EJK’. Libo-libo ang pinatay. Libo-libo pa ang nawalan ng ama, ng ina, ng anak – na ang hiling ay hustisya.

Tama rin na humingi ng hustisya. Saan tayo papanig? Tama may basehan ang humanitarian konsiderasyon. Ngunit may basehan rin yung daing at dalamhati at yung masasaktan na libo-libo nating kababayan na pinatay. Saan tayo? Humanitarian consideration o sa mga daing na hinihiling ang hustisya?

Bilang Chairman ng Committee on Justice and Human Rights, nais ko man pumanig sa isang banda, tungkulin kong pumanig sa mga daing ng naghahanap ng hustisya. I vote ‘No’.