SENATOR FRANCIS “KIKO” PANGILINAN’S STATEMENT ON POLICE IN SEPT 21 RALLIES

Sa ating mga unipormadong lingkod-bayan mula sa MMDA, PNP, at AFP, maraming salamat sa inyong partisipasyon. Sa kabuuan, napanatili niyong maayos ang mga rally kahapon, September 21, lalo na sa violence-free na Trillion-Peso March kung saan nandun ang inyong lingkod.

Kahit gaano karami ang tao at gaano kataas ang tensyon, nanindigan kayong may disiplina at tapang. Sa mga nasaktan sa inyo habang tinutupad ang inyong tungkulin, ipinagdarasal namin ang inyong paggaling.

Your presence made it possible for us, citizens of the republic, to exercise our freedom of expression and our right to be heard. Sa gitna ng gulo, ipinakita niyo na sakripisyo ang serbisyo.

Patuloy niyong itaguyod ang rule of law, isagawa ang maximum tolerance, at protektahan ang dignidad at karapatan ng bawat Pilipino. Sa ganitong paraan, hindi niyo lamang pinapanatili ang kaayusan sa mga rally, tumutulong din kayo sa pagpapalakas ng ating demokrasya.