SENATOR FRANCIS “KIKO” PANGILINAN’S STATEMENT SUPPORTING SP WIN’S SENATE REOPENING ADDRESS

Kaya na ba ng pamilyang Pilipino na bumili ng masustansyang pagkain?

Simula’t mula pa, ‘yan na ang mga sukatan natin ng tagumpay, ang mga pamantayang isinasabuhay bilang lingkod-bayan.

Tama si SP Win: Tungkulin nating mga senador at public servant na tiyaking ang pambansang pag-unlad ay umaabot sa hapag-kainan, sa sahod, at sa pang-araw-araw na pamumuhay ng ating mga kababayan.

Sa 2027 national budget, dapat kasingsinop ng mga nanay ang ating pagbubusisi at pag-a-allocate nang tama sa mga pangangailangan ng pamilyang Pilipino.

Bukod sa pagbaba ng presyo ng bigas at iba pang pangunahing bilihin, sinusuportahan din natin ang panawagan niyang pagaanin ang pasanin ng mga manggagawa sa pagtaas ng tax-exempt income threshold at pagpapababa ng singil sa kuryente.

Salamat SP Win sa suporta sa pag-amyenda ng Rice Tariffication Law.

Malinaw na paalala ang mga national economic figures na kanyang binanggit na kailangan nating kumilos nang mabilis, disiplinado, at nagkakaisa. Kaya, tuloy-tuloy lang tayo sa trabaho, tuloy-tuloy lang sa serbisyo.