Maligayang Araw ng mga Ama sa lahat ng tatay na nagsisilbing haligi ng tahanan; sa mga stepdad na piniling umako ng responsibilidad at pagmamahal bilang ama; sa mga single dad na buong tapang na itinataguyod ang kanilang pamilya; sa mga single mom na tumatayong papa at mama para sa kanilang mga anak; sa mga kuya at ate na nagsakripisyo at tumayong tatay para sa kanilang mga kapatid; sa mga naging daddy hindi lamang sa kanilang sariling mga anak kundi maging sa iba pang nangangailangan ng aruga, paggabay, at patnubay; at sa lahat ng amang araw-araw na lumalaban ng marangal para sa kanilang pamilya.
Anuman ang anyo ng pagiging ama para sa inyo, para sa inyo ang araw na ito. Salamat sa inyong sakripisyo, pagmamahal, at walang sawang pag-aaruga.
