Malinaw na tayo ang ginagalit ng China sa mga tangka nilang ibahin ang realidad na sila ang aggressor. Sila ang nag-wa-water cannon. Sila ang sumasalpok sa mga bangka at barko ng ating mga mangingisda at ng ating Bureau of Fisheries at Coast Guard. Sila ang sumisira sa mga corals at yamang-dagat sa ating sinasakupan.
Hindi provocation ang pagdepensa — sa salita at sa gawa — sa ating mga karapatan bilang isang bansa.
Buo at ganap ang suporta ng Senado ng Republika ng Pilipinas sa pagprotekta at paglaban para sa naipanalong Arbitral Award na nagsasabing walang katotohanan ang kanilang “Nine-Dash Line” claim, hatol na pinataw halos sampung taon na ang nakakaraan.