Smugglers sampolan na

December 30, 2010

Abante Tonite
Boyet Jadulco
December 31, 2010

Sa pagpasok ng Bagong Taon, hinamon ni Sen. Francis ‘Kiko’ Pangilinan ang administrasyong Aquino na sampolan ang mga smugglers sa bansa.

Ayon kay Pangilinan, matagal nang peste sa kalakalan ng bansa ang smuggling kung kaya’t sa bagong landas na tinatahak ng administrasyon ni Pa­ngulong Noynoy Aquino, dapat ay hindi na magpatuloy ang iligal nilang gawain.

Aniya, isa sa dapat gawin ng gobyerno ay ipakulong ang mga kilalang smuggler sa bansa upang sa gayon ay magkaroon ng patas na kalakaran ng negosyo.

“We would like to see these unscrupulous traders finally put to jail. Smuggling is an indication of pervasive corruption in the country. We hope to stamp out all forms of corruption in the Philippines, and we need to make examples of them by punishing them,” giit ni Pangilinan.

Bukod sa malaking revenue na nawawala sa gobyerno, sinabi ng chairman ng senate committee on agriculture and food, na sinasagasaan din ng mga smugglers ang mga magsasaka sa bansa.

Sa mga nakalipas na taon ay patuloy ang pagbaha ng agricultural products sa bansa na naibebenta ng mas mura sa merkado kung kaya’t umaaray na ang mga magsasaka.

Aniya pa, mula sa sibuyas at bawang, talamak na rin ang pagpupuslit ng mga karne ng baboy, baka at manok.

View original post on Abante Online