The Solid Bloc 11 minority senators were present today for the 5 p.m. resumption of session, ready to work, ready to vote on pending bills and ready to keep the Senate running, but the majority led by SP Cayetano chose not to show up.
They did not even have the courtesy to inform us when they ignored the rules, and could not extend the basic decency of telling the minority that they had no intention of convening.
Let us focus on the work, because the Senate has serious business before it, and if the majority wants to protest, deliver privilege speeches or defend its position, the proper place to do that is on the floor, not by making the chamber stand still.
Ang Senado ay hindi pag-aari ng iisang may hawak ng gavel. Institusyon ito ng taumbayan at napakadaming mahalagang panukala ang nabibinbin dahil sa drama ng mayorya.
Important measures were left hanging because of the majority’s boycott, including the Magna Carta of Barangay Health Workers, the Anti-Hospital Detention Bill, the confirmation of generals before the Commission on Appointments and the bills granting Philippine citizenship to Bennie Boatwright III and Matthew James Ramos.
Let us call this for what it is: the claim that this is about Senate independence is false, because what happened today was about the rule of law, public accountability and a lawful process before the Ombudsman and the Sandiganbayan that no senator, no bloc and no presiding officer controls.
This is a boycott because of the arrest of Senator Jinggoy Estrada, and the public should not be asked to believe another convenient line from a leadership that has repeatedly twisted the truth.
Today was a step toward accountability in a controversy that the public has long demanded action on, and after years of people asking why nothing was happening in flood control investigations, it is unacceptable to suddenly call the rule of law an attack on the Senate.
Is Senate President Alan Cayetano now questioning the rule of law?
Sa totoo lang, ang gusto nila ay kampihan, hindi prinsipyo. Gusto nila sumama kami sa boycott, patahimikin ang Senado at gamitin ang minority para manatili ang Senate President sa puwesto habang iniiwasan ang tunay na test of numbers sa floor.
This may be the first time in decades that Senate work stopped because the presiding officer himself refused to work, because even during typhoons and the height of the pandemic, work was suspended only because of necessity or because systems still had to be set up, not because the leadership chose a boycott of duty.
The public has every right to ask whether SP Cayetano is repeating what he did in the House of Representatives, when questions were raised about a leader refusing to step aside, refusing to convene and holding up proceedings when the numbers were no longer certain.
The question now is just as serious: will they do this again for the next two session days, and will they keep the Senate idle simply to avoid facing the numbers on the floor?
The Senate should open its doors, call the session to order and return to work, because no Facebook post, no appeal to institutional pride and no political drama can erase the basic duty of senators to show up, follow the law and serve the people.
And lastly, we call on the Filipino people to watch the Senate closely, because when an institution refuses to work, public vigilance becomes the people’s first line of defense.
Joint Statement of Solid Bloc 11: Hindi ito Kasarinlan ng Senado kundi Pagtalikod sa Tungkulin
Dumalo ngayong Lunes ang mga senador ng Solid Bloc 11 minority sa muling pagbubukas ng sesyon alas-5 ng hapon, at handang talakayin ang Magna Carta para sa mga Barangay Health Worker, ang Anti-Hospital Detention Bill, ang kumpirmasyon ng mga heneral sa Commission on Appointments, at ang mga panukalang magkakaloob ng pagkamamamayang Pilipino kina Bennie Boatwright III at Matthew James Ramos.
Ngunit hindi sumipot ang mayorya. Hindi nila sinunod ang mga alituntunin, at ni hindi man lamang nila ipinagkaloob sa minorya ang simpleng paggalang na ipabatid na wala silang balak na magpatawag ng sesyon.
Pagtuunan natin ng pansin ang ating trabaho, dahil maraming mahahalagang usapin ang dapat tugunan ng Senado. Kung nais ng mayorya na magprotesta, magbigay ng privilege speech, o ipagtanggol ang kanilang posisyon, ang tamang lugar para gawin iyon ay sa sesyon mismo—hindi sa pamamagitan ng pagpapatigil sa gawain ng kapulungan.
Ang Senado ay hindi pag-aari ng iisang may hawak ng maso. Institusyon ito ng taumbayan, at napakaraming mahahalagang panukala ang nabibinbin dahil sa dramang nilikha ng mayorya.
Tawagin natin ito sa tunay nitong pangalan: mali ang sabihing tungkol ito sa kasarinlan ng Senado. Ang nangyari ngayon ay tungkol sa pagpapairal ng batas, pananagutan sa publiko, at isang lehitimong proseso sa Ombudsman at Sandiganbayan na hindi kontrolado ng sinumang senador, bloke, o namumunong opisyal ng Senado.
Ito ay isang boycott dahil sa pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada, at hindi dapat malinlang ang publiko ng isa na namang maginhawang paliwanag mula sa isang pamunuang paulit-ulit nang binabaluktot ang katotohanan.
Ang araw na ito ay isang hakbang tungo sa pananagutan sa isang kontrobersiyang matagal nang hinihingan ng aksyon ng taumbayan. Matapos ang maraming taong pagtatanong kung bakit tila walang nangyayari sa mga imbestigasyon kaugnay ng flood control projects, hindi katanggap-tanggap na bigla na lamang ituring na pag-atake sa Senado ang pagpapatupad ng batas.
Kinukuwestiyon ba ngayon ni Senate President Alan Cayetano ang paghahari ng batas?
Sa totoo lang, ang gusto nila ay kampihan, hindi prinsipyo. Gusto nilang sumama kami sa boycott, patahimikin ang Senado, at gamitin ang minorya upang manatili sa puwesto ang Senate President habang iniiwasan ang tunay na pagsubok ng bilang sa sesyon.
Maaaring ito na ang unang pagkakataon sa loob ng maraming dekada na tumigil ang gawain ng Senado dahil mismong ang namumunong opisyal nito ang tumangging gampanan ang kanyang tungkulin. Kahit noong panahon ng malalakas na bagyo at kasagsagan ng pandemya, natigil lamang ang trabaho dahil sa pangangailangan o dahil kinakailangan pang maglatag ng mga sistema—hindi dahil pinili ng pamunuan na talikuran ang kanilang tungkulin.
May karapatan ang publiko na itanong kung inuulit ngayon ni SP Cayetano ang nangyari noon sa House of Representatives, kung saan umusbong ang mga tanong tungkol sa isang lider na tumangging bumaba sa puwesto, tumangging magpatawag ng sesyon, at nagpabalam sa mga proseso nang hindi na tiyak ang kanyang suporta.
Kasingbigat ng tanong noon ang tanong ngayon: uulitin ba nila ito sa susunod na dalawang araw ng sesyon, at pananatilihin bang walang ginagawa ang Senado para lamang maiwasang harapin ang tunay na bilang ng suporta sa plenaryo?
Dapat buksan ng Senado ang mga pinto nito, pormal na simulan ang sesyon, at bumalik sa trabaho. Walang Facebook post, panawagan sa pagmamalaki sa institusyon, o anumang pampulitikang drama ang makapagpapawalang-bisa sa pangunahing tungkulin ng mga senador na pumasok, sumunod sa batas, at maglingkod sa mamamayan.
At panghuli, nananawagan kami sa sambayanang Pilipino na bantayang mabuti ang Senado, sapagkat kapag ang isang institusyon ay tumatangging gampanan ang tungkulin nito, ang pagbabantay ng publiko ang nagiging unang linya ng depensa ng taumbayan.
