Statement of Francis Pangilinan on Violent Dispersal in Kidapawan Protest

April 1, 2016

kidapawandispersal

Kinokondena natin ang napakarahas na pagpapaalis sa mga nagpoprotestang magsasakang nasasalanta ng tagtuyot na dulot ng El Nino mula pa nung Nobyembre sa lungsod ng Kidapawan.

Gusto nating madaliang maimbestigahan ang insidente at malaman mula sa pamunuan ng PNP kung paano nagkaroon ng mga butas sa pagpapatupad ng crowd control protocols kaya nangyari ito.

Bukod sa agarang pagpapagamot sa mga nasaktan, kailangan nating tugunan ang kanilang madaliang pangangailangan ng calamity fund para makaraos sa araw-araw.

Na-deklara nang nasa state of calamity ang Kidapawan at meron na silang calamity fund. Hiniling pa natin ang pagdeklara ng state of calamity sa mga Rehiyon 9, 10, 11 at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) dahil maging ang mga magsasaka natin sa mga lugar na ito ay sinasalanta rin ng El Nino.

×