Statement of Sen. Francis Pangilinan on Bikoy’s allegations

Kahit ano sasabihin ng testigo laban sa mga nakaupo sa takot na masaktan. Wala kaming ugnayan sa video at kay Bikoy. Kasinungalingan lahat ang mga paratang na yan. Gawa-gawa lang ng Administrasyon. Laging dinadamay ang LP sa mga ouster plot na gawa-gawa lang para pagtakpan ang mga palpak at kurakot sa Administrasyon. Hanggang ngayon wala pa rin mga drug lords at sindikato na nahuhuli o nakakukulong sa pagpuslit ng toneladang shabu sa BoC yan ang pinagtatakpan nila. Pekeng drug war. Yan ang dapat nilang habulin, hindi mga kritiko ng nakaupo o mga nasa oposisyon.

Kahit ang pagpatay kay Rizal aaminin ng testigo na yan sa takot sa maaring gawin ng Administrasyon sa kanya o sa mga mahal niya sa buhay.

Uulitin ko. Walang kinalaman ang LP sa Bikoy video. Kasinungalingan at gawa-gawa lamang ang mga paratang na ito.

Ano na naman kaya ang baho na tinatago ng Administrasyon kaya inilabas ang mga kasinungalingang ito?