Statement of Sen. Francis Pangilinan on updates re Bikoy videos

Ano ang totoo? 11 araw na lang eleksyon na, at dapat binibigyang pansin ang mga bagay na mahalaga sa araw-araw na buhay ng Pilipino: trabahong mataas ang kita tulad ng mga Tsinong manggagawa dito sa bayan natin, mataas na kita para sa mga magsasaka at mangingisdang Pilipinong nagpapakain sa atin, murang suplay ng tubig at kuryente.

Ano ang totoo? Halalan rin nang mangako silang uubusin ang droga “in three to six months”.

Ano ang totoo? Walang napaparusahan sa mga sindikato ng droga na nagpapalusot sa Customs ng tone-toneladang at bilyon-bilyong piso ng shabu.

Ano ang totoo? Nililihis na naman ang usapan para hindi sila punahin sa mga kapalpakan at pagnanakaw na nangyayari sa ating likas-yaman at kabang-bayan.

Huwag hayaang nakawin ang katotohanan at ang karapatan nating lahat na malaman ito.

Naniniwala tayo na sa huling banda nanaisin ng ating mga kababayan na ihalal ang mga hindi magnanakaw sa kaban ng bayan. Nanaisin ng ating mga kababayan na mahalal ang mga walang bahid ng korupsyon at magiging tapat sa kanilang tungkulin. Sa Mayo 13, sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas, at Erin Tañada ang iboto.