STATEMENT OF SENATOR FRANCIS “KIKO” PANGILINAN CALLING FOR URGENT RELEASE OF ₱500 MILLION FOR ANTI-AGRI SMUGGLING OPERATIONS

Mahigit isang taon nang naipasa ang Anti-Agriculture Economic Sabotage Law of 2024. Pero ang ₱500 million na mandatong pondo para sa operations nito ay di pa rin na-re-release. 

Ni-request ng Anti-Economic Sabotage Council ang pondo noong July. Pero wala pa rin. 

Habang walang pondo, bilyon-bilyong halaga ng smuggled rice, chicken, vegetables, at tobacco ang pumapasok sa bansa. At walang isang big-time na smuggler ang nakukulong. 

Kung seryoso ang gobyerno sa paglaban sa smuggling, kailangang i-release na ang ₱500 million ASAP. Now na. 

Kung hindi pa ma-release ang pondo bago ang second reading approval ng 2026 budget, i-de-defer natin ang approval. 

Hindi natin ipapasa ang budget habang walang pondo ang batas na naglalayong protektahan ang ating mga magsasaka at mangingisda, at maging tayong mga consumers. 

Hindi puwedeng puro salita. Hindi puwedeng puro pangako. Hindi puwedeng isang taon nang naghihintay ang batas, ang magsasaka, at ang sambayanan, habang patuloy ang pagkalugi, ang pagkalason, at ang panlalamang ng mga smuggler.