Salamat sa pagpataw ng MRSP sa pula at puting sibuyas na 120 pesos kada kilo, at hindi na luluha tayong mga konsyumer sa presyo nito ngayong Kapaskuhan. (Sa trapik tayo luluha pa lalo.) Sa karanasan ng mga kasama sa opisina, umaabot ng hanggang 200 pesos kada kilo ang presyo ngayon. Nagtitiwala tayo sa DA na nakakwenta sa MRSP ang balanse ng production at importation, at ang interes ng mga Pilipinong magsisibuyas at mga mamalengke.