Statement of Partido Liberal president Sen. Francis “Kiko” Pangilinan on public, legal attacks vs VP Leni, ex-DOT chief Mon Jimenez

Lumalabas ang tunay na pakana ng mga umaatake kay Vice President Leni at dating Tourism Secretary Mon Jimenez.

Inililihis nila ang atensyon ng sambayanan mula sa mga dapat na sagutin ng mga nasa kapangyarihan: ang nakakabahalang pangitain na mawalan ng trabaho ang mahigit 260,000 na mga OFW natin sa Kuwait, ang nakaambang na banta ng militarisasyon ng China sa ating teritoryo, at ang 60-milyong-pisong kontratang kinasasangkutan ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo at ng kanyang mga kapatid sa media.

Huwag manlinlang. Harapin ang mga tanong ng taumbayan: Paano na ang kabuhayan ng 260,000 na OFW sa Kuwait? Paano na ang kaligtasan ng mga Pilipino sa pagsakop ng China sa mga islang atin talaga? Paano na ang pangakong lilipulin ang lahat ng magnanakaw sa kaban ng bayan?