STATEMENT OF PARTIDO LIBERAL PRESIDENT SEN. KIKO PANGILINAN ON LAW DAY

September 19, 2017

Noong Linggo, sa palabas na Tao Po ni Juana Change sa CCP, nandoon ang isang babae, si Aling Rosing.

Isa sa mga isinadula ni Juana Change ang kwento ni Aling Rosing. Pinatay ang kanyang asawang si Celo at anak na si Jojo sa isang Oplan Tokhang sa Caloocan. Natutulog, ginising. Kinaladkad, nagmakaawa. Binaril. Pero nanlaban daw.

Kaya bagamat kapos sa pera, nagpasya si Aling Rosing na ituloy ang kaso laban sa mga pulis.

Ngayon, September 19, ay Araw ng Batas, magandang paalala na bayan pa rin tayo ng batas. Na ang batas ay nandyan para tayo protektahan. At pinapatunayan yan ni Aling Rosing, na isinasailalim ang kaso ng kanyang mga mahal sa buhay sa mga batas ng bayan para makamit ang katarungan.

Pagkatapos ng dula, nagpaunlak ng mga tanong sina Aling Rosing. Hindi ba kayo natatakot? Sabi niya, kailangan kong lumaban para sa asawa ko at anak ko.

Ang galing na inspirasyon.

×