STATEMENT OF SEN. PANGILINAN ON SUGGESTION TO SUSPEND THE PRIVILEGE OF THE WRIT OF HABEAS CORPUS

November 13, 2016

Sa mungkahi na isuspindi ang privilege of the writ of habeas corpus at arestuhin nang walang warrant ang mga tao na di umano’y nasa likod ng criminal lawlessness o drug menace:

Sen. Kiko Pangilinan at the August 2 sessionAng suspension of the privilege of the writ of habeas corpus ay maaring gawin lamang ayon sa Article III Section 15 ng ating Saligang Batas kapag may rebellion o invasion.

Nakikipagusap na tayo sa mga rebeldeng grupo tulad ng CPP NPA MILF MNLF at suportado natin ito bilang daan para sa tunay na kapayapaan kaya hindi maaring sabihin na matindi ang threat ng rebellion sa ngayon. Wala rin invasion liban na lang kung sasabihin natin na ang pagsakop ng China sa Scarborough Shoal ay sapat na invasion upang suspindihin ang nasabing privilege of the writ. Mukhang hindi din naman ganito ang sitwasyon sa ating China dispute.

Sa ilalim ng Article III Section 15 wala ang criminal lawlessness o drug menace bilang dahilan upang suspindihin ang nasabing privilege of the writ of habeas corpus. Kontra ito sa saligang batas.

Sundin natin, igalang at itaguyod ang ating Saligang Batas. Yan po ang tungkulin at responsibilidad ng bawat mamamayan at yan din ang sinumpaang tungkulin namin bilang mga opisyal ng pamahalaan.

Baka naman biro o joke lang yung mungkahi. Sana.

×