Stop the killings, release report on 23,000 ‘deaths under investigation’: Kiko

Statement of Sen. Francis Pangilinan on ‘shit happens’ and Iceland draft resolution to UN HR Council for comprehensive report on human rights in the Philippines

Kapag ganito ang kalakaran na tinatanggap na lang natin bilang realidad sa halip na kondenahin at panagutin ang mga nagkasala, mauulit ng mauulit ang patayan pati ng mga bata. Hindi ito tama at hindi ako sang-ayon sa posisyon na ganun lang talaga ang realidad.

Kinokondena natin ang pagpatay sa 3 taong gulang na batang si Myka Ulpina, pati na rin ang patuloy na araw-araw na patayan ng ating mga kababayan lalo na ang mahihirap.

Hindi solusyon sa pagsugpo sa iligal na droga ang araw-araw na patayan ng mahihirap nating mga kababayan. Kapag maliliit patay na walang kalaban-laban. Kapag drug lord at opisyal ng customs lusot o walang pananagutan, promoted pa.

Habulin ang mga sindikato at mga drug lord at mga kasabwat nitong mga nasa gobyerno na nasa likod ng pagpapalusot ng shabu sa Customs. Yun ang tunay na solusyon.

Pag poot ang tinanim, kamatayan ang aanihin. This administration’s legacy stands on the blood of killed children and parents. Stop the killings. Enforce the Supreme Court decision to release the documents on the drug war, including the report on the more than 23,000 “deaths under investigation”.

**

The daily killings have not stopped and this government has repeatedly said there will be no let-up in the drug war. We welcome the draft resolution to the United Nations and we hope it will add pressure from the international community so that the Duterte administration will finally see the light and realize that the daily killings is not the solution to the drug menace, and that it will sooner or later be held to account for at the very least failing to stop the killings.