Transcript of interview at the Office of Sen. Chiz

August 11, 2009

Press Release
August 10, 2009

On the P1-million US dinner…

Pera man ng gobyerno o pribadong pera napakasama sa panlasa na gumastos sila ng ganong karangya sa dami ng naghihirap dito sa Pilipinas. At gagastos din lang sana binigay na lang sa biktima ng bagyong Kiko, sana ginastos na lang sa Pinoy na restaurant at hindi don sa dayuhan at banyagang restaurant, sana nakinabang man lang yung Filipinong negosyante at nakapagbigay pa at nakapagdagdag sa trabaho ng Filipino. Hindi ako sang-ayon at hindi marapat na ginagawa at pinapakita yon ng mga opisyal natin.

Kayo ang pinili ng NPC?

Ayokong pangunahan ang NPC dahil ordinaryong miyembro lamang ako ng partido, hanggat walang pormal na pag-aanunsiyo wala pang pinal na pasya o desisyon pero kung totoo man nandon ang pasasalamat ko sa tiwalang binibigay sa akin ng aking mga kapartido pero sa ngayon sa pagkakaalam ko wala pang pormal at pinal na desisyon ang partido.

Nadadagdagan yung mga contender for 2010, ano sa tingin mo ang chances mo?

Hindi pa naman ako deklaradong kandidato hindi pa pede siguro at dapat pag-usapan ang chance sa 2010 pero kalayaan ng bawat Filipino na ialay ang sarili sa ngalan ng paninilbihan sa pamahalaan o sambayanan. Walang sinoman ang pedeng magsabing hindi karapat-dapat at ito lang ang dapat tumakbo. Lahat sa paniniwala ko karapat-dapat at may karapatan na ialay ang sarili para manilbihan sa anumang puwesto sa gobyerno.

Si Noynoy ba mabigat na kalaban sa tingin mo?

Lahat dapat tinuturing din na mabigat na kalaban at walang dapat minamaliit. Isang naturo sa akin yan sa pagtakbo ng ilang halalan na. walang dapat hindi pinapansin, walang dapat itinuturing magaang, lahat dapat tinuturing seryoso at mabigat na kalaban upang hindi malusutan o maisahan ikanga sa anumang ehersisyong politikal na papasukanng sino mang nais kumandidato.

So si Jamby mabigat na kalaban?

Lahat.

When do you think NPC will make formal announcement?

I don’t know pero kung titingnann mo yung ibang partido wala pa rin namang opisyal na pag-anunsyo at pormal na pag-anunsyo ang ibang partido. Ang Liberal ba meron na, ang Lakas-Kampi ba meron na, ang PMP ba meron na o yung Nacionalista ba meron na? Lahat ay intindihan lamang at tinginan lamang at ina-assume lamang ng marami. Ang tamang panahon dyan sa palagay ko hindi naman minamadali dahil hindi naman karera ng kabayo ang halalankung saan kung sino ang unang mahdeklara siya rin ang unang makakaarting sa finish line.

Sino yung opisyal ng NPC ang mag-eendorse?

Yung partido mismo, yung mga miyembro ng partido, at hindi lamang isang opisyal.

Pero may nakausap na kayo?

Walang pormal na desisyon o pasya pa ayon sa huli kong pakikipag-usap sa kanila.

Ang NPC ba maglalagay ng sariling standarb bearer?

Yon ang direksyon na tinatahak ng NPC sa huli naming pagpupulo, subalit wala pang partikular na taong tinutukoy ang partido.

Pero makikipag-alliance kayo?

Hindi ko rin alam peor kung ako ang tatanungin nyo makipag-alyansa man ang NPC marapat at dapat makipag-alyansa ito sa mga grupo o kagrupo ko sa oposisyon at hindi ako papayag na makipag-alyansa sa anumang level sa administrasyon o maka-administrasyong partido.

Sino ang dapat samahan among opposition parties?

Hihintayin ko ang desisyon muna ng partido bago ako personal na magpasya kaugnay sa bagay na yan.

Kung kukunin kang vice president ni Jamby?

Ni hindi pa ako nagdedesisyon kung ano ang tatakbuhan, mahirap sumagot kaugnay ng bagay na yan at wala din namang pormal na alok kaya mahirap pangunahan.

Dynamite tandem daw kayo ng NPC…

Wala pang pormal na pasya ang partido at ayokong pangunahan ang partido. Bilang ordinaryong miyembro ayoko at hindi ako ang tagapagsalita ng NPC. Hayaan nating magdesisyon at mag-anunsiyo sila ng sarili kaugnay sa bagay na ito.

Pero totoo yung sinabi mo na dynamite tandem nga?

Hindi nanggaling sa akin yon pero hindi maikakaila din siguro base sa mga survey na magandang pagkaakpareha yon sa pagtakbo sa 2010.

So mas mabigat pag Chiz-Loren o Loren-Chiz?

Wala pang desisyon gaya ng nasabi ko at ayokong pangunahan ang aking partido.

Pero totoo sa survey among NPC members kayo ang gusto na magign standard bearer?

Matagal ng may ginagawang konsultasyon pero hindi ko pa personal na alam ang resulta ng konsultasyon na yon. Sa pagkakaalam ko nitong nakaraang tatlo o apat na buwan nagkakaroon na ng konsultasyon angmga miyembro ng NPC.

Kailan ang pormal na declaration?

Ang deadline ay November 30 at gaya ng nasabi ko kanina wala pa namang partido na pormal at opisyal na nagdedeklara ng sinumang kandidato, marami lang siguro na nag-aadvertisement sa TV pero wala pa namang pormal na deklarasyon ang kani-kanilang partido, Lakas-Kampi, LP, NP, NPC o anuamng partido wala pa namang pormal na sinasabi o sinisigaw, siguro ina-assume lang ng marami na sila na dahil sila yung may advertisement sa telebisyon.

Nagkaroon daw ng meeting yung executive committee ng NPC at don nagdecide na within this month i-aannounce na yung standard bearer at senatorial candidates…

Wala pang pinaparating o sinasabi sa akin kaugnay sa ganoong uri ng pasya at gaya nga ng nasabi ko ayokong pangunahan dahil hindi naman ako ang tagapagsalita ng partido.

Hindi ka na-inform sa result ng meeting ng executive committee?

Wala.

Sino kaya ang idedeklara ng partido?

Hindi ko alam at hanggat hindi pa sinasabi yon ayokong pangunahan pa rin.

In case si Loren ang mapili how will you take it?

Wala naman akong sinabing tahasan na ako ay tatakbo sa partikular na puwesto so walang kailangang ibigay o di ibigay. Madalas kong sinasabi na ang pagtakbo ay personal na desisyon dapat yan ng kakandidato o ng tao, hindi dinidikta ninoman at anumang pagtitiwala, paniniwala o nominasyong ibibigay marapat ikonsidera yan ng sinomang nais na kumandidato. Let that be the first test of leadership of any putative candidate to take upon himself or herself the decision and the responsibility to run. Hindi ipapasa kung kani-kanino yung pagtakbo o yung hindi niya pagtakbo.

Yung partymates mo hindi kayo kinakausap about 2010?

Nag-uusap at pinag-uusapan namin pero hindi ko lang talaga ugali na pangunahan at manguna sa anumang pormal, pinal at opisyal na pahayag o deklarasyon. Mahirap na mabaliktad o maunsiyami at mauna ka at babaligtarin mo rin ang sasabihin mo, hintayin na lang natin.

So sir may pag-uusap?

Maraming nag-uusap, marami namang kumakausap din pero hindi naman maikakaila yon magkakaibigan kami at magkakakilala kami, nagkikita kami ng regular.

Ano yung pinag-uusapan?

Mga plano, balakin at ambisyon ng bawat isa sa lokal na level o nasyunal na level man, mga kagustuhan pabor sa aprtikular na kandidato o pabor sa ibang kandidato na hindi naman limitado minsan ang usapan sa miyembro ng NPC dahil hindi maikakaila na ialng miyembro ng NPC naman na malapit sa ibang mga aspirante at nag-aambisyon din.

kung ikaw ang ideklara tatakbo ka?

Gagalangin ko ang nominaston pero gaya nga ng nasabi ko, desisyon ng kandidato at nong tao kung siya at tatakbo o hindi anuamng nominasyon, anuamng deklarasyong gagawin ng sinumang grupo o partido. Hindi nyo maririnig galing sa akin ang pahayag na tatakbo lamang ako pagsinabi ng partido ko o hindi ako tatakbo kapag hindi sinabi dahila ng pagtakbo at hindi pagtakbo, uuliti ko, personal na desiyon yan nong kandidato.

Ano yung majot consideration o factor para tumakbo kayo bilang bise o presidente?

Kakayanang gampanan yung tungkulin at kahandaang gampanan yung tungkulin. Mahirap namang tumakbo sa isan gpuwesto ng hindi ka handa o hindi ka preparado na kugn saka-sakali ikaw ang pipiliin ng sambayanan eh hindi mo magagawa yung sinumpaan mong tungkulin.

Kamusta kayo ni Loren?

Nag-uusap naman talaga kami bilang magkapartido, hindi nga lang namin pinag-uusapan yung tungkol sa halalan sa 2010 nitong mga nagdaang panahon. Nagsimula lamang nong nagdaang linggo dahil papalapit na rin naman dahil pareho naming hindi minamadali ang anuamng pasya ng partido kaugnay sa bagay na yan.

Magkaibigan na uli kayo?

Baki naman hindi, mulat-mula naman.

Sir you’re talking more on platform o personality sa readiness sa pagtakbo?

Personalitise and platform dahil maymga personalidad na yun naman talaga yung kabalikat na plataporma nilang dala at wala ka ng magagawa don. Subalit yung level ng alyansa kung ako ang tatanungin at sinabi ko rin naman ito noon. Kung ako ang tatanungin at pagdedesisyunin hindi ko gusto na makipag-alayansa ang aming partido sa majority o administration party sa ngayon kaya nga ako kahit na nasa House ako at karamihan ng mga miyembro ng NPC kasama ng majority coalition ako angnaging minority leader sa House kahit na ngayon bagaman may coalition pa rin ang NPC akoy nananatili pa rin sa oposisyon.

Aside from corruption issues ano pa yung ayaw nyo sa platform nila?

Corruption, mismanagement, yung pagiging insensitive sa pangangailangan ng tao tulad ng paggastos ng malaki habang nasa abroad at pagdala ng napakaraming tao tuwing magbabyahe sa abroad, ang pagconcentrate sa macro economic indicators lamang at hindi pagpansin sa maliliit na indicators tulad ng presyo ng bilihin, trabaho at suweldo ng mga kababayan at kuntento na lamang sila sa pagtingin sa GDP, GNP, phisix at stock market at exchange rate. Marapat at dapat yung nararamdaman ng taongbayan ang kanilang pinagbibigyan at pinagtutuunan ng pansin.

Under the next administration wala ng dapat ganito?

Under the next administration whomsoever it may be, it should change. It cannot be business as usual and it cannot be the same of the old things over and over again. Kung wala tayongbabaguhin sa pamahalaan sa ilalim ng susunod na adminsitrasyon, eh di ganon pa rin ang makikita natin, hindi naman siguro ganyang pagkakataon ang hinahanap ng maraming Pilipino.

May negotiation daw between Erap and Loren camp…

Hindi ko alam kung totoo yun pero meron man wala naman akong pagtutol dahil lahat sila, lahat kami ay bahagi ng oposisyon at tama lang na mag-usap usap kami, magkaisa at sana isa lang angkandidato na i-field namin sa oposisyon.

Mangyayari kaya yon?

Sana, may paniniwala ako at may pag-asa pa rin ako na mangyayari yon, gaano man kalayo ang posibilidad sa ngayon.

Si GMA daw lalong yumaman ayon sa SAL nya…

Hindi ko pa nakikita yung kanayng SAL pero sa pagkakaalam ko limitado at maliit ang suweldo ng presidente, maraming conflict of interest ang presidente at hindi niya pedeng pag-interesan yon at sa pagkakaalam ko rin maraming limitasyon na mga hindi pedeng gawin ng presidente at panghuli ang alam ko may krisis dina ng buong mundo at hindi lamang ang Pilipinas, tila mataas pa yung nilaki ng kanyang yaman sa ordinaryong interest rate sa bangko, maski na sa ordinaryong ROI o return of investment ng anuamng negosyong pinasukan. Sana nakalagaysa kanayng SAL yung paliwanag kung saan nanggaling yon at sana naging transparent yung SAL nya at SAL ng iabng opisyal.

Gusto kong tingnan para malaman, may mga limitasyon at nakakaduda kung saan nanggaling yon pero mas magandang tingnan yung dokumento dahil sa galing ng mga abogado nila sa gobyerno malamang may sagot sila sa anumang pagdududang meron tayo gaya maganadng makita yung detalye ng kanyang SAL, saan nga ba galing yon at kapani-paniwala ba.

You mentioned you’re against an alliance between NPC and Lakas-Kampi, is that a condition…

Nakakahiya namang magmalaki ng ganayng dahil hindi pa naman inaalok sa akin may kondisyon na ako, marahil pagdumating yon don ko pa lang masasabi yon at maliwanag naman sa kanila, kaya nga ni minsan hindi ako sumali sa administration coalition at bahagi ako palagi ng oposisyon at minority sa Kamara at sa senado.

Yung senatorial slate nyo buo na?

Wala pa ngang one at two dose pa.

Ano ba yung mas dynamic tandem, Chiz-Loren or Mar-Noynoy?

Gaya nga ng nasabi ko kanina lahat ng tatakbo at gustong tumakbo may karapatan at marapat respetuhin ang kanilang pagnanais manilbihan pero dapat din seryosohin at ituring na mabigat ang kandidatura ng bawat isa, walang dapat minamaliit na kandidatura ninuman.

Yung sa pagka-president ni Noynoy…

Karapat-dapat at qualified siya pero para sa akin ayaw kong pangunahan angkanayng pamilya. Naging presidente si Pangulong Cory pero hindi siya naging politiko. Ang pinakamagandang paraan siguro para galangin at bigyan ng paggunita ang kanyang pagpanaw ay sa pamamagitan ng hindi pagbibigay kulay politika sa nangyari at pangalawa sa pagbibigay sa kanyang pamilya na magluksa dahil hindi na nga sila nakapagluksa ng pribado dahil public property na itinuring ang kanilang ina, bigyan naman natin ng kaunting lugar na makapag-isip isip din at magluksa ng pribado bago natin haluan ng politika.

Your opposition against an NPC-Lakas-Kampi alliance is consistent with your position that you will not accept an invitation from the administration to be its standard bearer?

Yes, yes. Kung alyansa nga ay hindi ako sang-ayon, lalo pa na tatakbo sa ilalim, hindi rin.

Pero tingnan nyo rin naman yung ibang partido, sa House majority coalition halos lahat naman ng partido ay ka-coalition ng majority, hindi lamang NPC, NP ka-coalition din ng majority, ng Lakas-Kampi. LP ka-coalition din ng Lakas-Kampi, hindi ko maintindihan kung bakit palaging NPC na lamang ang binabanggit. Ang maganadng distinction at basehan may chairmanship ba ang mga Miyembro ng NP at LP, dahil mga miyembro lamang ng majority coalition ang pedeng maging chairman ng anumang komite. Hindi ko sinasabing mali yon pero kung yon ang gusto ng miyembro, desisyon nila. Ang desisyon ko manatili sa oposisyon at sa minorya.

Theoretically, ang partido at political party ay na-create para pagkinunsulta mo yung mga lider ng partdo parang nakonsulta mo rin ang buong bansa, pero hindi naman yun umuubra ngayon, at kailanman hindi umubra. Maganda ng may teknolohiya, text at Internet para makonsulta yung marami nating mga kababayan, yun ang ginagawa namin ngayon.

Yung sa caucus mamya ano ba yung ita-tackle nyo?

Mamayang hapon pero malamang yung legislative agenda yon ng senado sa darating na sesyon.

Mukhang mabagal pa rin yung pagsa-submit ng budget, it should be the priority….

It should be the priority, technically ang budget sina-submit dapat pagSONA ng presidente o one week after the SONA ng president, pero nitong nagdaang apat na taon palaging late ang submission ng budget.

Dapat bantayan yon malamang ang plano talaga ng administrasyon re-enacted budget para mas malawak yung discretion nila sa panahon ng election.

Sir don sa mga coalition ano lang yung napapadali, yung release ng pork barrel mas mabilis pag-allied ka sa administrasyon…

Siguro dahil ako mula nang mag-file kami ng impeachment laban kay Pangulong Arroyo noong 2005 pa, congressman pa ko non, wala na, hanggang ngayon.

×