TRANSCRIPT OF SEN PANGILINAN EXPLAINING HIS VOTE

November 14, 2016

“Simple lang naman po yung title ng resolution: Expressing the Sense of the Senate that, well, in so many words, that the former President Marcos is unfit to be buried in the Libingan ng mga Bayani.

15101881_10153839274872167_1789331534_oSa akin po ay, sumasang-ayon po ako roon kaya po ako bumotong suporta rito. Doon po sa usapin nung nagdesisyon na po ang Supreme Court, ang alam po natin may Motion for Reconsideration. So pending pa rin po ito. At kahit na po maging final at executory po yung desisyon dito, maaari pa ring pumosisyon ang ating Senado hindi sa hindi pagkilala sa kung hindi hindi pag sang-ayon. Iba ho iyon. Iba po iyong hindi natin kinikilala ang desisyon ng Korte Suprema, iba naman po yung hindi tayo sumasang-ayon sa naging desisyon ng Korte Suprema. Maaari nating sabihin na bilang isang Senado na bagamat kinikilala natin ang naging desisyon ng ating Kataas-taasang hukuman, hindi po tayo sumasang-ayon. At hindi tayo sumasang-ayon dahil sa ilang mga dahilan.

Unang una, hindi ko maipapaliwanag sa aking mga anak kung tinanong sa akin, ‘Bakit kayo pumapayag na ipalibing ang isang hindi bayani sa Libingan ng mga Bayani?’ Simple lang po sa akin. Kaya po tayo ay pumabor sa sinasabing resolusyon.

Sa usapin po nung pending pa nga at hindi pa po pinal, sa maraming pagkakataon na, inulit na po natin ito nung isang araw, uulitin lang po ulit natin, sa maraming pagkakataon, ang ating Senado ay nagpasya, nagkaroon ng sense of the Senate resolution kahit na ho pending pa ho ang isang bagay o isang kaso sa Korte Suprema.

Ang isang halimbawa at nabanggit ko po ito, nung dinedebate ng Korte Suprema yung usapin ng Constituent Assembly kung dapat bang ‘voting separately’ o ‘voting jointly.’ Habang dinedebate po iyan o pinag-uusapan sa Korte Suprema, naglabas po ng resolusyon ang Senado. Beinte tres pa nga na Senador ang pumirma sa nasabing resolusyon na dapat ‘voting separately.’

Sa usapin po ng Declaration of State of Emergency noong panahon po ni dating Pangulong Arroyo, na kung saan inaresto si Randy David at nagkaroon pa ng raid sa Daily Tribune, nagkaroon din ng imbestigasyon ang Senado habang nakapending ang kaso sa Korte Suprema. Naglabas pa ng dalawang resolusyon report ang Senado na sinsabing ilegal yung State of Emergency at sinasabing illegal ang pagraid ng Daily Tribune at illegal yung pag-aresto kay Randy David. Senate Resolution po iyan. Senate Committee Report po iyan habang pending pa ang kaso sa Supreme Court.

Sa maraming pagkakataon pumupusisyon po ang Senado. Hindi dahil hindi natin kinikilala ang Korte Suprema, kung hindi nagkakaroon din tayo ng sarili po nating pasya at sarili nating paninindigan bilang Senado.

Sa huling banda, Mr. President, it has been said that the beginning of the end of war is in remembering. And I believe the same goes for tyranny, oppression, and the violence and brutality of dictatorial rule. We must remember. We must not forget. And this resolution, precisely, is our way of not forgetting despite the ruling of the Supreme Court.

Maraming salamat.

×