World-class ang Pinay, world-class sa truth-telling: Pangilinan

October 9, 2021

“May nanalo na! Mabuhay ka Maria Ressa!

Pinapakita mo sa buong mundo na world-class ang Pinay, world-class sa pagsabi ng katotohanan, world-class sa tapang.

Napakalaking karangalan para lahat ng Pilipino ang makamit ang kauna-unahang Nobel Peace Prize ng isang Pilipino.

Hindi lang ito historic, panalo rin ito laban sa mga gumagawa ng fake news. Si Maria ay isa sa pinaka-trolled dito sa atin, tulad naming nasa oposisyon.

Maria has made journalism synonymous with courage — raising relevant issues like the weaponization of social media and speaking truth to power like Mark Zuckerberg in Facebook’s role in manipulating public perception.

Ang paninindigan at tapang niya ang kailangan natin sa panahong ito.

Napaka-inspiring. Congratulations to truth-telling! Congratulations Maria!”

×