20-20 vision, focus on climate crisis, food security this 2020: Pangilinan

December 31, 2019

As 2019 winds down and we look toward 2020, let’s make a commitment to continue standing up for our rights and what is true, and for our future and our children.

We will be faced with fresh challenges anew — higher prices triggered by TRAIN Law, low farmers’ incomes, climate crisis. 

Lindol at bagyo ang pa-ending sa atin ng 2019. Sa kabila ng kasiyahan, alalahanin natin ang mga kababayang nawalan ng bahay, hanapbuhay, at buhay dala ng mga natural disasters. Mas malaking sakuna kung pababayaan natin ang mga nasalanta at iisnabin ang mga banta ng climate crisis. Dahil ang climate crisis ay krisis ng sangkatauhan.

Produksyon ng pagkain o ang pagsasaka at pangingisda ang mga unang naaapektuhan nito. (At dahil sa epekto ng Rice Tariffication Law, doble-doble ang pasanin ng ating magpapalay.) Tulad ng pag-alaga o pagsalaula natin sa ating nag-iisang planeta, ang pag-alaga o pagsalaula natin sa ating mga magsasaka at mangingisda ay babalik sa atin. Kung malusog ang mundo at mga nagdadala ng biyaya sa ating mga hapag-kainan, malusog din tayong lahat.

The task ahead is enormous, but the people’s fighting spirit is greater. 

Sundin natin ang mga panawagan ng mga scientists na ibaba ang ating tinatawag na carbon footprint at bawasan ang polusyon. Umpisahan natin sa ating tahanan at komunidad: Reduce, reuse, recycle ng mga gamit, kasama na ang tubig at kuryente. Sa ating mga polisiya, ipasa na at ipatupad na ang ating mga panukalang batas sa single-use plastic, rainwater management, agri land conversion ban, urban agriculture, organic farming, solid waste importation ban, food waste reduction, electric and hybrid vehicles incentives, national mangrove forest protection, expanded crop insurance, post-harvest facilities, ang pagkakaroon ng Department of Fisheries and Aquatic Resources, at ang dekada-dekada ng coco levy trust fund.

Gawin nating mas makahulugan ang bagong taon, at mas magiging masaya tayong lahat! Let’s back this 2020 vision to usher fresh hopes and strength to help us stay the course and never waver until we achieve a just, peaceful, and prosperous nation.

Nawa’y maging 20-20 ang pagtingin ng taumbayan sa katotohanan sa 2020.