Isang pagpupugay sa ating mga tumatayong surrogate parents sa pagdiriwang ng Teacher’s Day.
Kung ang kabataan ang kinabukasan at ang pag-asa ng bayan, ang titser naman ang panday ng kinabukasan at pag-asa ng bayan.
Nasa dugo ng pamilya ang pagtuturo. Ang Mommy kong si Emma, teacher sa UP Preparatory School noong 1960s. At dahil ang dami naming magkakapatid (siyam), nagtayo rin siya ng pre-school sa bahay.
Ako rin, nagturo rin ako ng pitong taon sa Ateneo de Manila ng Legal Management courses. Ngayon, minsan sa ating Sweet Spring Country Farm, nagbabahagi rin ako ng natutunan ko sa organic farming sa mga school children at sa mga gusto ring mag-vegetable farming.
Kaya tulad niyo, kami ni Mommy, merong superpower na magpatahimik ng classroom. Superpower ang magpaintindi ng nasa lesson plan, magpatupad ng disiplina, at mag-ayos ng mga away o bullying sa classroom. Superpower
Lodi talaga ang mga public school teacher natin. Hindi lang nagtuturo ng reading, ‘riting, at ‘rithmetic, madalas nag-aabono pa ng pakain para sa nagugutom nating estudyante at tumutulong pa sa panahon ng kalamidad kahit sarili mismo nasalanta.
Lodi kayong tunay dahil nagpapahiram pa kayo ng oras para tumayo ring guidance counselor, at makinig sa mga problemang pamilya, pinansyal, at love life ng mga estudyante.
Kaya, promise, sa gitna ng pagbaha ng korapsyon, uunahin ko kayo—kasama ng mga magsasaka’t mangingisda, ang mga magulang na nagpapakain sa atin—sa pagsiguro na makuha ang karampatang budget, at matugunan ang lumalalang problema ng edukasyon. Ipapasa rin natin ang panukalang batas na libreng almusal para sa mga mag-aaral.
