SENATOR FRANCIS “KIKO” PANGILINAN’S STATEMENT ON ATENEO DE ZAMBO SHOOTING INCIDENT: BUMUO TAYO NG SAFETY NET PARA SA KABATAAN

Buong puso akong nakikiramay sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi. Ramdam ko ang trauma ng mga learner, magulang, at staff member ng komunidad.

Bilang magulang, alam ko kung ano ang epekto ng social isolation sa mga mahal natin. Tila nakakahina ng empathy at nakakadagdag sa kalupitan kung halos lahat ng social interaction (paglalaro, pag-aaral, shopping, etc.) ay online, at konting-konti ang face-to-face,.

Patatagin natin ang school safety. Popondohan ang mas maraming guidance counselors, psychologists, at mental-health services. Pipigilan ang online bullying, cyber terror-grooming, at ang pagkalat ng violent content. Mas pahihigpitin ang pagmamay-ari ng baril.

Pero hindi lang batas, safeguards, at budget ang kailangan.

Hindi rin pwedeng salaula sa salita ang mga tumatayong lider, opisyal man ng pamahalaan o influencer sa social media. Hindi pwedeng i-normalize ang karahasan, kalupitan, o pagpatay. Delikado ang mensaheng ipinapaabot nito sa mga kabataang natututo pa lang kontrolin o i-manage ang nararamdamang galit, lungkot, o anumang pinagdaraanan.

Tulad ng baha na lumulubog sa ating mga komunidad, hindi rin kayang lutasin ng isang tao, isang batas, o isang hakbang lamang ang krisis na ito.

Sama-sama rin dapat ang ating tugon. It takes a village to raise a child. Kailangan natin ng mas ligtas na mga paaralan, epektibong sistema para sa proteksyon ng mga bata, mga propesyonal sa mental health, responsableng online platforms, mas matatag na pamilya at komunidad, at mga lider na nagpapahalaga sa buhay sa halip na nagbibigay-dangal sa karahasan.

Higit sa lahat, bawat isa sa atin ay may papel sa pagbuo ng human safety net na sasalo sa ating mga anak bago sila tuluyang matangay ng problema. Para sa isa’t isa, kailangan ng presence, pakikinig, at ang simpleng pagpapaalala na walang sinuman ang kailangang harapin ang sakit at bigat ng buhay nang nag-iisa.