Statement of Sen. Francis Pangilinan, Otso Diretso campaign manager
Ang hamon ng Otso Diretso ay para sa mga tumatakbong senador ng Hugpong: Sen. Kiko
Mahalaga ang eleksyong ito sa ating mga mamamayan. Nais nilang makilala, mapag-aralan, at makilatis ang katauhan at karanasan ng mga tumatakbo sa pagka-senador. Nais nilang malaman ang mga pananaw ng mga kandidato tungkol sa kahirapan, trabaho, bigas, presyo ng bilihin, edukasyon, kapayapaan, seguridad, katarungan, pagnanakaw at pandarambong sa kaban ng bayan. Higit sa lahat, mahalagang marinig ang mga panukalang batas at programang isusulong ng bawat kandidato upang malutas ang mga isyung ito, matigil ang patayan, maipaglaban ang kinabukasan.
Mahalagang maikumpara ang mga aplikante sa pagka-senador upang makapagdesisyon nang tama.
Hindi kandidato si Mayor Sara sa Senado. Hinahamon ng Otso Diretso ang mga kandidato sa Senado ng Hugpong ng Pagbabago; hindi si Mayor Sara. Ngayon, kung talagang ipinagpipilitan ni Mayor Sara na siya mismo ang makipagdebate, samahan niya ang kanyang mga kandidato. Aming inuulit, ang hamon ng Otso Diretso ay nakatuon sa mga kumakandidato bilang senador ng HNP dahil ito ang makakatulong sa pagninilay ng taumbayan.