ANG MAGKAKAPATID NA MALLARI AT ANG MGA MAGSASAKA NG GULAY NG LA PAZ, ZAMBOANGA
WATCH ON YOUTUBELittle Baguio kung tawagin ang La Paz, Zamboanga dahil sa malamig na klima. Tulad ng Baguio, sagana rin ang lugar sa tanim na gulay. Ang magkakapatid na Mario, Jesus, at Emidio Mallari, na may edad 83, 80, at 79, patuloy pa rin sa pagsasaka kasama ng iba pang mga magsasaka ng gulay sa lugar.
“Hanggang kaya pa ng katawan naming magtrabaho, magtatrabaho kami,” ayon sa pinakamatanda sa magkakapatid na si Mario.
Pero dahil sa pandemya, naging problema ang pagbebenta ng mga magsasaka ng La Paz ng kanilang mga ani. Dalawang oras ang byahe bago nila madala ang kanilang mga produkto sa bayan. Hiling ng kanilang komunidad na magkaroon ng subsidiya ang matatandang magsasaka katulad ng mga magkakapatid na Mallari.
“Gusto po sana naming mangyari matulungan ang mga senior citizen ba, mga farmer, legit farmer talaga, parang may subsidy ba. Kasi nahirapan po talaga kami,” saad ni Edgardo Serna.
Napakalaking tulong din sa mga magsasaka ng La Paz kung magkakaroon sila ng cold storage facility sa kanilang lugar para mapahaba ang buhay ng kanilang mga tanim at maibenta nila sa mas magandang presyo
SI TATANG NEG AT ANG MGA MAGSASAKA NG PALAY NG SAN SIMON, PAMPANGA
Animnapu’t siyam na taon nang nagsasaka si Virgilio “Tatang Neg” Amparo sa San Simon, Pampanga, pero hindi pa rin gumaganda ang buhay ng mga tulad niyang magsasaka ng palay.
SI EDGAR MONTERO AT ANG MGA MANGINGISDA NG MASINLOC, ZAMBALES
Dahil sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, bumagsak sa P3,000 kada buwan ang kita ng mga mangingisda ng Masinloc, Zambales mula sa dating P10,000 hanggang P15,000.
SI LEONOR SALTINO AT ANG MGA MAGSASAKA NG GULAY NG ATOK, BENGUET
Sampung piso kada kilo lamang bawat kilo nabebenta ni Leonor Saltino ang kanilang repolyo sa trading post sa La Trinidad, Benguet. Sa presyong ito, wala nang natitirang kita kaya sa mga ganitong sitwasyon ay dinodonate na lamang ng mga magsasaka ng Atok, Benguet ang kanilang mga panananim sa gobyerno.
ANG MAG-ASAWANG MANGINGISDA NA SINA MARGIE AT JIMMYBERT BARDILLO NG TALISAY, CEBU
Habang palawak nang palawak ang reklamasyon sa Cebu ay paliit naman nang paliit ang katubigang napapangisdaan ng mag-asawang Margie at Jimmybert Bardillo. At dahil sa pagtaas ng presyo ng krudo ay hindi rin makapalaot nang malayo ang mag-asawa.
SI RIBBY BRENDIA AT ANG BAGUIO CITY VEGETABLE VENDORS
40% ang ibinaba ng order na gulay sa mga magsasaka dahil sa pagpasok ng mga smuggled na gulay sa tinaguriang vegetable basket ng Pilipinas. Aabot ang halaga nito sa P2.5 milyon piso kada araw. Pati ang mga manininda ng gulay sa Baguio City at La Trininad, kalahti hanggang 80% ang bawas ng order mula sa kanilang sinusupply-an ng gulay.
SI JOSE VILA AT ANG MGA MANGINGISDA NG LINGAYEN, PANGASINAN
Walang laban ang maliliit na mangingisda ng Pangasinan sa mga naglalakihang trawler na umuubos ng isda sa Limahong Channel sa Pangasinan. Ang masama pa rito ay sinasagasaan lang ng mga trawler ang mga lambat ng mga maliliit na mangingisda, dahilan para mawasak ang kanilang panghuli na pinapangutang lang ng marami sa kanila.
SI TATANG BUTUAN SAGBOS AT ANG MGA MAGSASAKANG MANGYAN NG PINAMALAYAN, ORIENTAL MINDORO
Anim na oras papunta at pabalik ng bayan ang nilalakad ng mga magsasakang Mangyan ng Pinamalayan, Oriental Mindoro para mabenta ng kanilang ani sa halagang P8 kada kilo.
SI OSCAR RAFAEL AT ANG MGA MAGSASAKA NG SIBUYAS NG BONGABON, NUEVA ECIJA
Sa kabila ng pagiging pangunahing producer ng sibuyas sa bansa, problema pa rin para sa mga magsasaka ng Bongabon, Nueva Ecija kung saan kukuha ng makakain.
SI MANG RICARDO MATEO AT ANG MGA MAGSASAKA NG SIBUYAS SA SAN JOSE, OCCIDENTAL MINDORO
Mahigit 145 milyon piso na at tumataas pa ang halaga ng pinsala sa mga magsasaka ng sibuyas sa San Jose, Occidental Mindoro dahil sap ag-atake ng pesteng harabas o army worms sa kanilang mga pananim.
SI LEONORA CABASAG AT ANG MGA PAMILYA NG MGA MANGINGISDA NG GENERAL SANTOS CITY
Labis ang pangungulila ni Aling Leonora Cabasag sa anak na nakulong sa Indonesia dahil sa pangingisda lagpas sa teritoryo ng Pilpinas. Apat na buwan na mula noong huling makita ang anak na si Alvin at nalaman lang nila ang sinapit nito sa laot sa kwento ng kaibigan nakabalik ng General Santos City.
SI DANTE VILLANUEVA AT ANG MGA MAGSASAKA NG ISABELA
Dehado ang mga magsasaka ng palay ng Isabela sa dating kalakaran ng pagpapa-utang at pagbebenta ng kanilang ani. Ayon Dante Villanueva, magsasaka ng palay sa Isabela, umuutang sila sa mga pribadong indibidwal pero sa laki ng interes ay napipilitan din silang ibenta ang mga aning palay sa pinagkaka-utangan nila.
ANG MAGKAKAPATID NA MALLARI AT ANG MGA MAGSASAKA NG GULAY NG LA PAZ, ZAMBOANGA
Little Baguio kung tawagin ang La Paz, Zamboanga dahil sa malamig na klima. Tulad ng Baguio, sagana rin ang lugar sa tanim na gulay. Ang magkakapatid na Mario, Jesus, at Emidio Mallari, na may edad 83, 80, at 79, patuloy pa rin sa pagsasaka kasama ng iba pang mga magsasaka ng gulay sa lugar.
SI TOTO ESTERNON AT ANG MGA MANGINGISDA NG CATARMAN, NORTHEN SAMAR
Kumakapit sa dynamite fishing ang ilang sa mga mangingisda sa Catarman, Northern Samar dahil na hirap ng buhay na dala ng pananalasa ang mga bagyo sa lugar. Labis ang pagsisisi ni Neil “Toto” Esternon sa paggamit ng dinamita sa pangingisda na naging dahilan para siya ay maputulan ng bisig
SI ROMEO NIÑO AT ANG MGA MAGSASAKA NG GULAY NG ALCALA, PANGASINAN
Inaabot ng hating gabi sa pagsasaka ng gulay si Romeo Niño at ang mga kapwa niya magsasaka sa Alcala, Pangasinan para magkaroon nang maayos na kita. Kahit pa tulong-tulong ang kanilang komunidad ay hindi pa rin nila matapos ang trabaho habang may araw pa at puspusan pa rin ang pagtatrabaho kahit na dapat ay oras na ng pahinga.
SI JOEL ACUPO AT ANG MGA MANGINGISDA NG TAYABAS, QUEZON
Dehadong-dehado ang mga mangingisda mula sa Tayabas, Quezon sa patuloy na panghihimasok ng mangingisda mula sa China sa katubigan ng Pilipinas. Kwento ni Joel Acupo na tatlumpung taon nang nangingisda, huli ang katapat ng bawat paglaot nila.