Covid-19 is this generation’s 9/11: Pangilinan

“TODAY we remember the nearly 3,000 lives lost, including 20 Filipinos, in the September 11, 2001 terror attacks twenty years ago. Maraming kabataan ngayon, wala o konti na ang alaala sa nangyari sa Amerika noong araw na iyon. But the immeasurable loss continues to reverberate today.

Binago ng 9/11 ang ating pag-unawa sa pulitika at seguridad. It showed us that the battle of might can only spawn more violence. As we improve on global security, 9/11 also prompted intensified initiatives toward dialogues, peace efforts and development. Peace-building is not only less costly but more significantly, more effective than war.

Tulad ng 9/11, nagiging isang takdang sandali rin sa kasaysayan ang Covid-19. Pinupwersa tayong isiping muli ang mga gusto nating mangyari, ang mga mahalaga sa atin, ang mga ipaglalaban natin.

The virus that threatens to exponentially claim lives more than any terror attacks has transformed the way we live. There’s been a pivot to self-care. Para maging malusog at may panlaban sa sakit, marami na ang oras ang nilalaan sa exercise, mga pagkaing lutong-bahay, ang pag-ilag sa stress. As a way to counteract the inactivity and isolation at home, many are spending time with nature — getting into urban gardening, backyard planting, or simply watering plants as part of the new routine.

Sa ating paglabas sa ating mga bahay pabalik sa isang nagbagong mundo, gusto nating mapanatili ang mga pagbabagong nagpapalusog sa atin ngayong pandemya: isip, katawan, kapwa, at ang ating mundo mismo.

Covid-19 is this generation’s 9/11. We are faced with the challenge to discern and apply their lessons right.”


Share