The Liberal Party condemns the patently illegal filing of criminal cases against Sen. Leila De Lima before the Regional Trial Court.
The Sandiganbayan, not the RTC, has jurisdiction over the case as the alleged wrongdoings were supposedly committed when she was Justice Secretary.
This filing before the RTC is clearly an attempt to undermine our court processes. It is an underhanded maneuver meant to go after critics, regardless of legal bases or processes. This purely political vendetta has no place in justice system that upholds the rule of law. This is condemnable.
We reiterate that an arrest based on trumped-up charges is illegal.
We appeal for total impartiality in the dispensation of justice. Senator De Lima has been pre-judged before any of the charges were filed as no less than the President vowed to destroy her in public and was sure De Lima would land in jail before any case was filed. Secretary Aguirre, being the alter ego of the President, should inhibit in any and all cases filed against Senator De Lima.
We assert that the Ombudsman has primary jurisdiction over cases against public officers cognizable by the Sandiganbayan. Violation of the Dangerous Drugs Act, which is the DOJ’s case against Sen. De Lima, falls under “other offenses committed by public officials” listed in the Sandiganbayan Law.
We maintain that if this warrant of arrest is served, it would be a clear violation of legal proceedings and is therefore a violation of her Constitutional right to due process.
Kinokondena ng Liberal Party ang iligal na pagsampa ng kaso laban Kay Sen. Leila De Lima sa Regional Trial Court.
Ang Sandiganbayan, hindi ang RTC, ang may jurisdiction sa kaso dahil ang mga inaakusa sa kanya ay nangyari nang siya ay Justice Secretary.
Malinaw na ang pagsampa ng kaso sa RTC ay pagbabalewala sa mga proseso ng korte. Galawang pailalim ito laban sa mga kritiko kahit pa walang ligal na basehan o proseso. Walang puwang sa sistemang pangkatarungan ang ganitong pagbubusal sa mga kalaban sa politika.
Nais naming bigyan-diin na ang isang arestong base sa pinagtahi-tahing kasinungalingan ay iligal.
Kami’y umaapela para sa walang-pinapanigang pagkamit ng katarungan. Bago nasampahan ng anumang kaso si Senador De Lima ay ipinangako na ng Pangulong sisirain niya ang senadora sa publiko at tiyak na makukulong. Kaya naman nararapat lang bilang alter ego ng Presidente na mag-inhibit si Kalihim Aguirre sa lahat ng kaso laban kay De Lima.
Aming iginigiit na ang Ombudsman ang may pangunahing jurisdiction sa mga kasong laban sa mga lingkod-bayang hinahabol ng Sandiganbayan. Kasama ang paglabag sa Dangerous Drugs Act, na siyang pinaparatang ng DOJ kay Senador De Lima, sa mga “iba pang mga kasalanan ng mga opisyal ng pamahalaan” na nakalista sa batas na gumawa sa Sandiganbayan.
Kami’y naninindigan na kung ang warrant of arrest na ito ay maisilbi kay Senador De Lima, ito ay magiging malinaw na paglabag sa mga prosesong ligal at samakatuwid ay isang paglabag sa kaniyang karapatang Konstitusyonal sa due process.