Focus on tons of missing smuggled shabu and NFA rice, and spiraling rice prices, not VP: Pangilinan

August 31, 2018

Attacking VP Leni is another attempt to divert the public’s attention from the tons of missing smuggled shabu and missing NFA rice from the market.

In the P6.4-billion shabu smuggling at the BOC, only the warehouse caretaker got jailed. Now, this P6.8-billion worth of shabu that got past BOC is just ‘pure speculation’ despite the PDEA director confirming that K-9 units monitored drugs. How can the administration say it’s against drugs if no one is held responsible for these incidents and pieces of evidence are ignored?

The price of rice continues to soar amid smuggling, formalin-tainted fish importations, and bukbok-infested rice. Filipinos are losing their patience for these kinds of government blunders.

Instead of talking about who should replace the President, the administration should focus on addressing these pressing issues that concern our countrymen.

Ang pag-atake kay Vice President Leni Robredo ay tangka para ilihis na naman ang atensyon ng publiko mula sa mga nawawalang tone-toneladang smuggled shabu at nawawalang NFA rice sa merkado.

‘Yung P6.4-billion shabu smuggling sa BOC, bodegero lang ang kinulong. Itong P6.8-bilyong halaga ng shabu na nakalusot sa BOC, ‘pure speculation’ na lang sa kabila ng pagkumpirma ng PDEA Director na naka-monitor ng droga ang mga K-9 units. Paano nasabi ng administrasyon na ito’y kontra sa droga kung walang napapanagot at isinasawalang-bahala ang mga ebidensya?

Patuloy ang pagtaas ng presyo ng bigas sa gitna ng mga insidente ng smuggling, pag-i-import ng mga isdang may formalin, bigas na may bukbok. Nakakabuwisit para sa mga Pilipino ang ganitong mga klase ng kapalpakan ng gobyerno.

Sa halip na pag-usapan kung sino ang papalit sa Pangulo, tutukan na lang sana ng administrasyon na matugunan itong mga isyu na bumabagabag sa ating mga kababayan.