In midst of nCoV epidemic, govt focuses on denouncing critics: Pangilinan

February 10, 2020

Sa gitna ng epidemya, panggigipit sa mga kritiko ang pinupuntirya sa kasong quo warranto sa prangkisa ng ABS-CBN at sa file ng mga kasong inciting to sedition kay Sen. Trillanes at iba pa.

Walong araw na nang ipataw ng pamahalaan ang travel ban sa China, pero tumatanggap pa rin tayo ng mga report na nakakalapag pa rin sa mga paliparan natin sa Boracay, Davao, at kung saan-saan pa ang mga eroplanong galing China.

Araw-araw, nadadagdagan ang mga kaso ng kumpirmadong nCoV. Ayon naman sa ating DoH sa kanilang ulat kaninang tanghali, 262 ang persons under investigation; 48 ang discharged at mino-monitor, at 441 contacts ng unang dalawang kaso ng nCoV sa Pilipinas ang na-trace na.

Sapat na ba ito? Alam ba natin kung totoo nga ang patuloy na pagdating sa Pilipinas ng mga galing sa epicenter ng sakit?

Tutukan ang kaligtasan ng ating mga kababayan sa epidemya, hindi ang panggigipit at pananakot sa mga kritiko at sa media.