Kiko: New agri chief’s focus on raising farmers’ income is a great start

August 8, 2019

Statement of Sen. Francis Pangilinan on the appointment of Dar as agriculture secretary

Kiko: New agri chief’s focus on raising farmers’ income is a great start

We welcome the appointment of Agriculture Secretary William Dar. It comes at a crucial time as rice farmers face tremendous pressure from unlimited imports and coconut and sugar farmers from low world prices to leave food production. Our fishermen are also being driven out of fishing areas that are rightfully and exclusively ours.

If farmers and fishermen leave their work now for wage-secure jobs in construction here or abroad, it would be a surrender of the food security of our children; it would be a surrender of their and our country’s future.

We also welcome his eight paradigms to improve the agriculture sector and share in his goal to double farmers’ earnings. Philippine agriculture needs a strong advocate and Secretary Dar has the credentials to take up the cause to aggressively address the slow agricultural growth and stagnant incomes of the farmers and fisher folk who remain poorest of the poor.

We will continue to work closely with the Department of Agriculture and Secretary Dar as we pursue these goals, particularly in crafting the IRR of the Sagip Saka Act of 2019 whose thrusts are aligned with the new agriculture chief’s goal to achieve food security by focusing on the key players in producing food for us and our children.

Malugod nating tinatanggap ang pagtalaga kay Secretary William Dar bilang bagong kalihim ng agrikultura. Tamang-tama ito dahil binabagyo ang ating mga magsasaka ng bigas bunga ng unli rice imports at ang ating mga magsasaka ng tubo at niyog ng pagbagsak ng presyo sa buong mundo; tinutulak silang umalis sa pagpapakain sa atin. Ang mga mangingisda naman natin, tinataboy mismo sa mga teritoryong ating-atin talaga.

Kung lilipat ng trabaho ang mga ating magsasaka at mangingisda para sa mga trabahong may siguradong kita sa construction dito o sa ibang bansa, pagsuko na ito na masigurong may pagkain ang mga anak natin. Pagsuko ito ng kinabukasan nila at ng bansa natin.

Malugod din nating tinatanggap ang kanyang eight paradigms para mapaunlad ang sektor ng agrikultura; kaisa rin tayo sa kanyang layunin na mapadoble ang kita ng mga magsasaka. Kailangan ng agrikultura sa Pilipinas ang malakas na tagapagtaguyod, at base sa background niya, kayang-kaya ni Secretary Dar harapin at aksyunan ang mabagal na pag-unlad ng sektor ng agrikultura at mababang kita ng mga magsasaka at mangingisda, silang nananatiling pinkamahirap sa lipunan.

Patuloy tayong makikipag-ugnayan sa Department of Agriculture at kay Secretary Dar sa pag-abot ng mga layuning ito, lalo na sa pagbuo ng IRR ng Sagip Saka Act of 2019 na kahanay ng mga layunin ng bagong bosing ng agrikultura na masiguro ang pagkain sa pamamagitan ng pagtutok sa mga nagpapakain sa atin at sa ating mga anak.