Kiko Pangilinan warns public about possible smuggled goods during Xmas season

December 9, 2011

Press Statement
December 9, 2011

Senator Francis “Kiko” Pangilinan, Chairman of the Senator Committee on Agriculture and Food, warns the public about the possibility of more smuggled goods entering the country during the Christmas holidays. He also calls on the Bureau of Customs (BOC), the Department of Trade and Industry (DTI), the Department of Agriculture (DA), and local governments to be more vigilant against the entry of smuggled goods–particularly meat products, vegetables, and other in-demand items for the traditional “noche buena” feast.

“Kapag masyadong mababa ang presyo ng mga bilihin sa mercado, kailangan nating tingnan kung saan ba ito nanggagaling at baka smuggled ang mga ito. Kapag hindi natin maseguro ang source ng mga bilihin, may posibilidad na ang iba rito ay delikado sa kalusugan ng mga mamamayan,” Pangilinan says.

He likewise cautions the public against buying “botcha”, or double-dead meat products that could be sold by unscrupulous traders to capitalize on the holidays.

“Kailangan po nating protektahan ang kapakanan ng mga mamamayan, lalung-lalo na sa mga gahamang negosyante na ang nais lang ay kumita sa iligal na paraan. Baka mura nga ang bilihin, e sa ospital naman ang tuloy ng mga bumibili. Kung ano ang natipid sa pamamalengke, mababawi naman sa panggamot.”

“Bukod pa rito, kailangan rin nating pangalagaan ang kita at kabuhayan ng mga magsasaka. Kapag smuggled ang bilihin at bagsak-presyo ang mga ito, nasisira ang kabuhayan ng ating mga magsasaka. Wala na nga silang Christmas bonus, mawawalan pa sila ng kita ngayong Kapaskuhan,” the lawmaker points out.

“Hinihingi po natin ang tulong ng lahat ng mga sangay ng gobyerno na maging mas mapagmatyag ngayong mga panahong ito. Bigyan natin ng ligtas at masaganang Pasko ang ating mga kababayan.”

×