COMELEC, limang oras na mula ng huling naglabas ng resulta sa halalan sa Senado at hanggang ngayon ni katititing na paliwanag wala kaming naririnig sa inyo. Nasaan ang COMELEC? Nasaan ang spokesperon? Nasaan ang paliwanag?
Lumabas kayo, ipakita ninyo mga mukha ninyo at magpaliwanag sa malaking kapalpakan na ito. Bakit wala pang resulta sa Senate race? Bakit hindi kayo humaharap sa publiko? Hindi ba ninyo maipapaliwanag ang mga pangyayari kaya nagtatago kayo matapos ang limang oras?
Lalo lang lumalaki ang agam-agam at pagdududa ng publiko sa tunay na resulta ng halalalan dahil sa katahimikan ninyo. May niluluto ba na hindi dapat malaman ng publiko? Hindi pa tapos ang script?
Ang usap-usapan ay may glitch daw sa transparency server kaya may delay. Pati ba mga bibig at labi ninyo hindi makapagpaliwanag dahil may glitch din?
If you can’t release the results, we demand an immediate explanation as to the reasons behind this delay in the release. Nearly zero results. Zero explanation. Completely and totally unacceptable. Surely you can do better than this.