Today is the 100th birth anniversary of the dictator, former President Ferdinand Marcos. He left a lasting legacy of tyranny, oppression, and corruption in the Philippines that is remembered the world over.
We must never forget how much the country has suffered while he catered to the interests of the few, how his family lived in extravagance as they plundered resources that should have otherwise gone to better the lives of the Filipino, and how his cronies exercised powers so extraordinary that their traces can still be felt in the shadows of our bureaucracy.
We as a people demonstrated the might of a citizenry united and invested in one goal. As the song inspired by the four-day People Power Revolt goes, this was our gift to the world: a non-violent protest that ousted even the most ruthless dictator.
We must also remember that our People Power Uprising inspired nations in many parts of the world, such as Poland, South Africa, and South Korea, to likewise rise up peacefully to effect change in their respective nations.
But even more is required of us now in these trying times. We must, once again, rise up and go against tyranny, abuse of power, and the return of dictatorship.
Never forget the dictator.
Ngayon ang ika-100 na kaarawan ng diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos. Nag-iwan sya ng isang pamana ng paniniil, pang-aabuso, at korupsyon sa Pilipinas na naalala sa buong mundo.
Hindi natin dapat kalimutan kung gaano naghirap ang bansa sa ilalim ng kanyang pamumunong nangalaga lamang ng interes ng iilan; kung paano namuhay sa karangyaan ang kanyang pamilya habang ninanakaw ang pera ng bayan; at kung paano inabuso ng kanyang mga padrino ang ibinigay na kapangyarihan na hanggang ngayon ay madadama pa rin sa anino ng ating burukrasya.
Tayo bilang mga Pilipino ay nagpakita ng lakas ng mga mamamayang nagkakaisa at tumataya sa pagbabago. Ani nga sa kantang bunga ng People Power Revolt, ito ang handog natin sa mundo: isang payapang rebolusyon na nagpatumba sa isang diktadurya.
Kailangan din nating tandaan na an gating People Power ang nagbigay inspirasyon sa maraming bahagi ng mundo, tulad ng sa Poladn, South Africa, at South Korea, kung saan nagkaroon din ng mga payapang rebolusyon upang magkaroon ng pagbabago sa kani-kanilang bayan.
Ngunit mas higit pa ang hinihingi sa atin ngayon. Muli, kailangan nating magkaisa laban sa nagbabantang paniniil, pang-aabuso, at ang panunumbalik ng diktadurya.
Huwag kalimutan ang diktador.