May Ghazali Jaafar’s death inspire enhanced peace efforts in Mindanao: Sen. Kiko

March 13, 2019

Statement of Sen. Francis Pangilinan, president of the Liberal Party,
on the passing away of Ghazali Jaafar, 1st Vice Chair of the Moro Islamic Liberation Front

May Ghazali Jaafar’s death inspire enhanced peace efforts in Mindanao: Sen. Kiko

Our deepest condolences to the family and comrades of Ghazali Jaafar, the warrior who died a peacemaker.

He recognized that peace is not simply the absence of war. He acknowledged that peace is about how people lived their every day in pursuit of the best for the community and the future. He knew that peace in Mindanao means progress for the entire country.

And he lived knowing that peace is not only an outcome, but also a process that needed the participation of as many stakeholders as possible, including not only of the warriors on both sides or of the Bangsamoro people, but also of regular folk and indigenous and settler communities.

From being first chair of the MILF peace panel who signed the general cessation of hostilities between government and the MILF in Cagayan de Oro City in July 1997 to becoming a newly-appointed member of the Bangsamoro Transition Authority (BTA) and nominated Speaker of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) just last month, Ghazali Jaafar knew that peace is a worthy life-long goal.

May his death inspire enhanced peace efforts in the island of Mindanao, that would mean better lives for all, especially Filipino children.

Inna ilillah wa inna ilaihi rajiun!

Nawa’y mag-alab ng mas masigasig na peace efforts sa Mindanao ang pagpanaw ni Ghazali Jaafar: Sen. Kiko

Ang aming taos-usong pakikiramay sa pamilya at mga kasama ni Ghazali Jaafar, ang mandirigmang yumaong isang tagapamayapa.

Kinilala niya na ang kapayapaan ay hindi lamang ang kawalan ng digmaan. Kinilala niya na ang kapayapaan ay tungkol sa kung paano nabubuhay ang mga tao sa kanilang araw-araw para sa pinakamahusay sa komunidad at sa kinabukasan. Alam niya na ang kapayapaan sa Mindanao ay nangangahulugan ng pag-unlad ng buong bansa.

At isinabuhay niya ang paniniwalang ang kapayapaan ay hindi lamang isang patutunguhan, kundi pati na rin isang proseso na kailangan ang pakikilahok ng pinakamaraming stakeholder, kabilang hindi lamang ang mga mandirigma sa magkabilang panig o ang Bangsamoro, kundi pati na rin ang karaniwang mamamayan at mga mula sa katutubo at dumayong mga komunidad.

Mula sa pagiging unang pinuno ng MILF peace panel na pumirma sa pangkalahatang pagtigil ng labanan sa pagitan ng gobyerno at MILF sa Cagayan de Oro City noong Hulyo 1997 hanggang sa maging bagong hirang na miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) at Tagapagsalita ng Bangsamoro Awtonomong Rehiyon sa Muslim Mindanao (BARMM) noong nakaraang buwan, alam ni Ghazali Jaafar na ang kapayapaan ay isang mahalagang gawain panghabambuhay.

Nawa’y mapasigla ng kanyang pagyao ang gawaing kapayapaan sa isla ng Mindanao, na magbibigay ng mas mabuting buhay para sa lahat, lalo na ang mga batang Pilipino.

Inna ilillah wa inna ilaihi rajiun!