On media queries re DoH Sec. Duque and purchase of pricey PPEs

May 26, 2020

Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan on media queries re DoH Sec. Duque and purchase of pricey PPEs

“Hindi na ako magtataka kung tuloy-tuloy ang kurakot sa pondo ng bayan kung ganito ang palakad. 

Ang mga sangkot sa katiwalian at paglabag sa batas, kinukunsinti at hindi pinaparusahan. Ganun din ang ginawa ng Administrasyon kina Sinas, Faeldon, Tulfo, Albayalde, Calida, Aguirre atbp. 

Ginugutom, wala nang makain at wala ng mga trabaho ang mamamayan pero tuloy-tuloy ang kurakot pati ba naman sa harap ng pandemya? 

Itutulak pa rin natin ang pag-imbestiga ng overpriced na testing kits at testing machines sa Senado. Meron bang kumita at kung meron sinu-sino ito? Meron bang sabwatan sa pagitan ng DoH, DBM, PhilHealth at iba pang mga ahensya? 

Dapat maisiwalat ito dahil buhay at kaligtasan ng milyon-milyon nating mga kababayan ang inaagrabyado at kapalit ng overpriced na mga kagamitan pang-kalusugan.”

“I am not surprised if it’s business as usual and the plunder of people’s money continues.

Those who have been involved in corruption and wrongdoing are tolerated and not punished. The Administration did the same to Siñas, Faeldon, Tulfo, Albayalde, Calida, Aguirre, and others. 

Filipinos are forced to go hungry, without food, without jobs but corruption persists in the face of a pandemic?

We will still push for a Senate investigation into the overpriced testing kits and testing machines. Did somebody earn off it and if yes, who? Is there collusion among the DoH, DBM, PhilHealth and other agencies?

These should be exposed because the life and safety of millions of our people are put in danger and are swapped for overpriced health equipment.”