On media queries re Malacañang comment that inmates convicted of heinous crimes but were released due to GCTA should be brought back to prison:

What we want are truth, accountability, and justice, which should be the linchpin of our criminal justice system.

Pwedeng hanapin muli ang mga napakawalan, kung ito ang magtutuwid ng maling pagpapatupad ng batas. Pero hindi natin pwedeng palagpasin ang paniningil sa mga taong responsable kung bakit naisama sa mga napakawalan ang may mga nahatulang gumawa ng heinous crimes.

What are the basis in law for deciding who are qualified for release? How were the cases of the inmates evaluated? Who makes such decisions? Did money change hands to secure the releases? Were there other considerations beyond applying the law without fear or favor? Are these cases of a “most efficient” system of justice money can buy? We must find the answers to these questions.

Sa mga nangyari sa ating mga kulungan, mula sa balitang iba ang trato kay Mayor Sanchez (may sariling kobol na may aircon, nakapagpalusot ng milyong pisong shabu), hanggang sa pagpatay sa isang documentations officer ng Bilibid at sa pagpapalaya sa halos 2,000 “heinous crime convicts”, kabilang na ang ilang Chinese drug lords, mukhang ang nangyayari ay CRIME PAYS.

If this system persists, we can never have a reformative prison system and restorative justice will remain elusive, including to those who are in jail but who are innocent and to wrongdoers who remain scot-free. Palayain ang karapat-dapat, hindi ang di-dapat.

Kung pinapalaya ang hindi karapat-dapat, lalong dadami ang walang takot na gagawa ng mga krimen gaya ng drug trafficking, rape, at murder. Dapat pigilan ito at panagutin ang mga nagpabaya.