On VFA termination

February 11, 2020

Given our ongoing dispute in the West Philippine Sea, this move favors China and no longer comes as a surprise given how meek and subservient the Administration has been toward China in matters not only of sovereignty but even on matters of public health and safety, as in the coronavirus epidemic.

The Administration cited the cancellation of the US visa of Senator dela Rosa and the supposed US interference in the country’s human rights record as basis for terminating the VFA. If the Administration thinks such an act will prevent their accountability for the impunity and the blatant disregard of human rights in the murderous drug war then they are mistaken. Sooner or later those behind the mass murder of our citizens, mostly poor, will be brought to justice.

In addition, we believe such a notice is only valid with the concurrence of the Senate. The Senate therefore must assert its constitutional role in concurring with such a termination before it can take effect.

Sa harap ng patuloy na gulo sa West Philippine Sea, pabor sa China ang aksyong ito at hindi na tayo nagugulat dahil sa pagiging maamo at sunud-sunuran ng Administrasyon tungo sa China sa mga usapin ‘di lamang tungkol sa soberenya kundi pati na rin sa mga usapin ng pampublikong kalusugan at kaligtasan, gaya ng sa coronavirus epidemic.

Idinahilan ng Administrasyon ang pagkansela ng US visa ni Senador dela Rosa at ang umano’y panghihimasok ng US sa human rights record ng bansa bilang batayan sa pagtatapos ng VFA. Kung iniisip ng Administrasyon na sa gayong kilos maiiwasan ang kanilang pananagutan para sa pagwawalang-hiya sa mga karapatang pantao sa nakamamatay na drug war, nagkakamali sila. Sa kalaunan, mahaharap din sa katarungan ang mga nasa likod ng pagpatay ng ating mga mamamayan, na karamihan ay mahihirap.

Isa pa, naniniwala kami na ang naturang notice ay may bisa lamang kung may concurrence ng Senado. Kaya dapat igiit ng Senado ang batayang tungkuling konstitusyonal nito bago mapatupad ang nasabing termination.