Secretary Panelo strikes again. Recently, he was quoted as saying that we should thank China for setting up a maritime rescue center in the Philippines’ Kagitingan Reef.
He was the same official who early this month said it was alright for the Chinese to fish in Spratly. He also called the decision of the Permanent Court of Arbitration in The Hague that validated the Philippines’ claims on the disputed territories in the West Philippine Sea as “useless as there is no country or body on earth that can enforce” it against China.
One would wonder sometimes which country he was speaking for. His every tone clearly manifests the language of a Chinese puppet.
Good thing that we have the Otso Diretso senatorial candidates, who have taken and will continue to take the side of the Filipino people, especially those directly affected by the encroachment of the Chinese into our waters, keeping Filipino fishermen from their source of livelihood.
Our Otso Diretso candidates — Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas, and Erin Tañada — know that the question of sovereignty (who benefits from the Philippines’ rich natural resources) translates into bountiful marine harvests and cheaper electricity and fuel costs from natural energy, resulting in better incomes and more jobs for our people. In short, a better future for all Filipino children.
Hayan na naman si Secretary Panelo. Kamakailan, narinig natin siyang nagsasabi na dapat pasalamatan pa natin ang China sa pagtatayo ng maritime rescue center sa Kagitingan Reef ng Pilipinas.
Nitong buwan, siya rin ang opisyal na nagsabi na tama lang na mangisda ang mga Tsino sa Spratly. Tinawag din niyang “useless”o walang kwenta ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague na nagpatibay sa karapatan ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea dahil daw walang bansa o lupon na makakapagpatupad nito laban sa China.
Nakakapagtataka para sa aling bansa siya nagiging tagapagsalita. Malinaw na ang tono niya ay hayagang salita ng isang puppet ng mga Tsino.
Mabuti na lang kasama natin ang mga kandidato sa pagkasenador sa Otso Diretso, na tumitindig at pumapanig sa mamamayang Pilipino, lalo na yung mga direktang apektado ng unti-unting pananakop ng mga Tsino sa ating karagatan, na hinahadlangan ang ating mga mangingisda sa kanilang pinagkukunan ng kabuhayan.
Alam ng ating mga kandidato sa Otso Diretso — sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas, at Erin Tañada — na ang ibig sabihin ng pag-uusap tungkol sa soberanya (kung sino ang nakikinabang sa masaganang likas na yaman ng Pilipinas) ay masaganang ani sa yamang dagat, mas murang kuryente at gastusin sa petrolyo mula sa likas na enerhiya, na nagreresulta sa mas magandang kita at mas maraming trabaho para sa ating mga kababayan. Ibig sabihin, mas maunlad na kinabukasan para sa lahat ng kabataang Pilipino.