Pag nanalo ang 8 sa senado, mas maraming tatayo para sa bayan: Kiko

Statement of Sen. Francis Pangilinan on 8 OK candidates and West Philippine Sea
Pag nanalo ang 8 sa senado, mas maraming tatayo para sa bayan: Kiko

Kapag nanalo ang mga walong pambato natin sa Senado, mas maraming maninindigan para sa bayan, mas maraming magtatanggol ng karapatan ng ating mga mangingisda, mas maraming tatayo para sa wasto at tama.

Base sa kanilang track record, alam natin kung saan nakatayo sina Gary Alejano, Bam Aquino, Chel Diokno, Samira Gutoc, Pilo Hilbay, Romy Macalintal, Mar Roxas, at Erin Tanada.

At dahil numbers game sa pulitika, mas gaganda ang tsansa ng usaping national sovereignty o ng ating pagkabansa kung mas maraming malakas na boses ang nagtataguyod nito.