VICE-PRESIDENTIAL aspirant Francis “Kiko” Pangilinan urges the government to act swiftly in providing interventions that include suspending the collection of fuel excise tax, as Filipinos suffer the daily effects of oil price spikes.
“Hirap na ang mga taumbayan dahil sa arangkadang pagtaas ng presyo ng krudo. Arawan lang ang karamihan ng kababayan natin. Kasama ang mga tsuper, nagtitinda sa palengke, at mga naglalako ng taho, balut, mais,” Pangilinan said.
“Galaw-galaw naman po sana ang pamunuan ng gobyerno. Marami pong pwedeng gawin para ibsan nang kahit konti ang hirap na dinaranas ng marami nating kababayan,” he added.
Pangilinan said people have reached out to him to tell him about the high cost of basic necessities like food, fuel, and electricity.
“Yung isang tsuper, sabi niya ayaw na niyang magbyahe kasi P300 lang ang inuwi niya pagkatapos ng buong araw na pamamasada. Dati-rati, nakaka-P1,000 hanggang P1,200 daw siya,” he said.
“Yung isang Grab driver, breakeven lang daw siya kahit mas marami na ang sumasakay. Yung isang namamalengke, nag-rant sa taas ng presyo ng mga bilihin matapos makita ang presyo,” he said.
“Kailangan alalahanin ng mga namumuno sa gobyerno na walang kakainin ang mga kababayan nating arawan kung kulang ang kita nila,” he added.
Pangilinan enumerated the proposals from various sectors that would ease the burden of daily wage earners.
“Nandyan ang suspendihin muna ang pagkolekta ng fuel excise tax na magbaba agad sa presyo ng petrolyo ng mga P8 hanggang P10. Sa buong araw na pasada, mga otsenta pesos hanggang isang daang piso rin yun na ekstrang pera sa bulsa ng mga tsuper ng jeep, tricycle, at Grab. Dalawang kilo ng bigas yun,” he said.
“Suspendihin din muna ang pag-phaseout sa lumang mga jeepney para makapagbiyahe yung gustong magbiyahe. Yung nasa batas nang pagbigay ng fuel subsidy, kailangang bilis-bilisan ito. Yung Batas Sagip Saka na maglalagay agad ng pera sa bulsa ng mga magsasaka at mangingisda, magpapapaba ng presyo ng pagkain sa palengke,” he added.
“Syempre, long-term, kailangan talagang mas independent na ang ating energy sources para hindi masyadong nabubulabog pag nagkakaroon ng mga unforeseen events tulad ng gyera at anu-ano pang sakuna,” Pangilinan said.