Mukhang binabalak ng House: sagasaan ang issue, at iangat ito sa Korte Suprema, na inaasahan nilang magdedesisyon pabor sa kanila. Binu-bully ng administrasyong ito ang oposisyon, ang lahat ng salungat sa kanila, si chief justice, ang media, ang ilang mga negosyante, at ngayon pati ang Senado. Kung papayag ang Senadong magpa-bully, para na rin nating binalewala ang mga batas, pati na ang demokrasya natin. Ang pamba-braso ng House ay pang-aabuso ng makapangyarihan, hindi dapat pinalalampas. Kapag hinayaan natin yun, wala ng batas at demokrasya, at lahat ay maaari nang maging biktima sa pang-aabuso nila sa kapangyarihan.
Nabigo ang huling tatlong pagtatangkang mag-Chacha noong administrasyong Ramos, Estrada, at Arroyo dahil mga tao mismo ang nanindigan laban dito — dahil ang Chacha ay nakatuon sa pansariling interes at tanging ang mga nasa poder lamang ang makikinabang dito. Ang sambayanang organisado at kumikilos ang susi para pigilan ang mga galawang ito na madalian, walang-katuwiran, at walang-pagsasalang-alang sa tao.
Kung gusto nilang pag-usapan ang Charter change, pag-usapan natin ito sa maayos at ligal na paraan. Walang brasuhan, walang madalian, walang pang-aabuso ng kapangyarihan.
The strategy it appears is for the HoR to force the issue and have the Supreme Court step in and decide in their favor. The administration has bullied the political opposition, its critics, the chief justice, the media, selected business interests, and now it wants to bully the Senate. The bullying of the House is an abuse of those in power, we should not let it pass. If the Senate allows itself to be bullied, then our democracy and respect for the law will be thrown out the window and anyone can be a victim of the abuses of those in power.
The last three attempts at Charter change during the administrations of Ramos, Estrada, and Arroyo were all thwarted because the people themselves vehemently opposed it for being self-serving and meant to benefit only those already in power. The people in their vast numbers mobilized and organized to oppose Charter change is key in stopping this senseless, mad, and shameless rush to amend the Constitution.
If they want to talk about Charter change, let’s talk about it in a proper, legal manner. We will not be bullied or rushed into it.