CONTACT US
Office of Senator Kiko Pangilinan Room 516,
5th Floor, Senate of the Philippines,
GSIS Building, Financial Center,
Roxas Boulevard, Pasay City,
Philippines, 1300
HOME | ABOUT | DOWNLOADABLES | FAQs | NEWS
Sagip Saka (Republic Act 11321) seeks higher incomes for farmers and fisherfolk through entrepreneurship by requiring government agencies to purchase produce and harvests directly from food producers, eliminating middlemen that raise food prices.
The law exempts both national government agencies and local governments from the Procurement Law when buying agricultural products directly from accredited farmers cooperatives and organizations. It also exempts donors from paying donor taxes when making donations such as capital outlay for farm equipment, post-harvest facilities, and agriculture infrastructure, among others, to accredited farmers organizations.
Layon ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Law na mabigyan ng suporta ang mga magsasaka, mangingisda at farm enterprise upang mapataas ang kanilang kita.
Layon ng Republic Act 11321 o Sagip Saka Law na mabigyan ng suporta ang mga magsasaka, mangingisda at farm enterprise upang mapataas ang kanilang kita.
a. Dahil sila ang nagbibigay ng pagkain natin sa araw-araw.
b. Dahil kaya natin
c. Dahil napapakain ng ibang bansa ang kanilang mamamayan at naging mayaman sa agrikultura
d. Dahil kapag sinagip natin ang pinakamahihirap, sinasagip natin ang ating sarili.
Itinataguyod ng Sagip Saka ang isang programang nais lumayo sa “isang kahit, isang tukang” pagsasaka/pangingisda at lumahok sa pangangasiwa at pagpapaunlad ng negosyo para sa pagsasaka at pangingisda.
Sa pamamagitan ng:
I. Direktang pagbili ng nasyonal at lokal na ahensya ng gobyerno
Maaaring makabili ng pagkain at iba pang produktong agrikultural ang gobyerno direkta sa mga akreditadong kooperatiba at negosyo ng mga magsasaka at mangingisda para sa kanilang feeding program, relief operations, catering needs, at iba pang mga serbisyo sa pamamagitan ng negotiated procurement.
II. Pakikipagtulungan sa pribadong sektor
Maaaring magbigay ng access sa merkado ang pribadong sektor para sa mga kasosyo nilang magsasaka at mangingisda. Maaari ring magbigay o mag-donate ang pribadong sektor ng mga kagamitan at makinarya, pagsasanay, at iba pang anyo ng tulong.
III. Insentiba sa buwis at mga exemption
Mga umiiral na partnership na nagbibigay sa mga magsasaka ng direktang access sa merkado.
Halimbawa, inilalaan ng Kalasag Farmers Producers Cooperative sa San Jose, Nueva Ecija ang kinakailangang suplay ng sibuyas sa dambuhalang kumpanya na Jollibee. Noong 2018, napagkasunduang bibilhin ng Jollibee ang 60% ng mga inaning sibuyas ng kooperatiba; mula sa 60 toneladang white onions.
Napakinabangan ng Kalasag ang Sagip Saka program ni Sen. Pangilinan para sa kanilang refrigerated vans. Sa halip na magrenta sa halagang P17,000 kada byahe (15 – 20 na byahe), nakabili ang mga magsasaka ng sarili nilang refrigerated vans.
Dagdag pa rito, dahil sa kanilang kontrata sa Jollibee ay nakapag-utang sila para makarenta ng cold storage facility na pinapanatiling sariwa ang mga sibuyas na tumatagal hanggang siyam na buwan, kaya kaunti ang nabubulok at nadadagdagan ang kita.
Pagdating naman ng 2015, nakakapag-ani na ng 500 tonelada ang Kalasag – halos sampung beses ang dami para sa parehong sukat na 50 hektarya ng lupa. Tumaas nang 10-12 beses ang kita ng mga Kalasag farmer, higit sa karaniwang kita ng Pilipinong magsasaka sa buong bansa.
Ito ang diwa ng Sagip Saka, pagbabago sa mga komunidad at buhay.
Kapag tumaas ang kita ng mga nagsasaka ng ating pagkain, kapag hindi na problema ang gutom, at kapag naging food secure ang ating bansa.
Office of Senator Kiko Pangilinan Room 516,
5th Floor, Senate of the Philippines,
GSIS Building, Financial Center,
Roxas Boulevard, Pasay City,
Philippines, 1300
Copyright 2020 © Official Website of Senator Francis “Kiko” Pangilinan